Saturday, August 25, 2012

Dreaming On...

It is the possibility of having a dream come true that makes life more interesting. - Excerpt from The Alchemist , Paulo Coehlo

My posts here have always been connected to my dreams and wishes. As I celebrate three years of insanity and absurdity, let me start another year with some of the renewed sources of that crazy sensation.



First: Faith

This is something I have neglected for quite some time. I'm somehow ashamed of the fact that one of my dreams has to end before I realize how big of a hole I was missing in my life. I failed to think about the Ultimate Source of Happiness when I was experiencing another kind of excitement. At the end of the day, I woke up to see a dream with open eyes. A dream has ended, yet another has been reborn.

It all started with silence. After a year filled with happiness comes a few weeks of total silence. I was there before. I'm used to the world where only I exist. I grew on the world concerned only for things of human nature. I was back to being a loner; not until I heard a voice calling me. I sought that voice, and I understood that I was never really alone. My search for human nature has been halted, the same day that my search for the Spirit began.

In silence, we can meet Him. In silence, the Holy Spirit will envelope us. In silence, we can freely talk to Him: praise Him, ask for forgiveness, thank Him, and pray for our wishes. A few moments with God will make a significant difference in our lives. Trust me. It makes a weary heart filled with laughter. With Him, everything will be alright.

He may have taken away some things from us, but rest assured that He had already laid a better plan for us to lead.

The main source of inspiration gives life to my other dreams...



Second: My long-term goal.

Not a single day have I forgotten about my dream of being a lawyer. I already took the first step two years ago - only to falter before taking another step for a million of reasons. I felt weak back then, losing all the confidence I had when I was just about to start the whole process. I had no choice but to put away the books, handouts and my pen back to my stock room.

Crushed even before the enemy fires the first shot. Back then, I let the coward side of me to prevail.

Today is a different story. I had revived my Faith. My heart had never been this light before. My mind is running in full steam. Unfortunately, I only have a pocketful of coins. God will provide, I know He will :) For the meantime, I will save for my future, and be back there in God's time. A good friend affirmed that it is not yet too late for me. I could be 50 and still, I can go back to school. Talk about thinking positive.

I promise to continue what I have started. I'm not running away from my dream again. My counterattack starts now.



And third: A star I will keep on gazing at.

That little spark have kept me alive in the oblivion. Darkness will never prevail as long as there is even a tiny ray of light guiding my way. Since then, that simple star has been one of the reasons my days have been brighter. Simple, yet extraordinary.

That star has revived my passion to go further - to be better than my best, to take full accountability on my tasks and to continue on searching for all the possible answers to my questions. That star awakened the learner in me. It may not be known to that star that I was already following her light. I guess, it is better like this. I can continue looking at that star in silence, seeking her light, and trying to reach it. As long as her light shines, I can continue learning. I can keep following that dream, and perhaps, I will be a better person. I am more than happy just looking on that simple star, after all, the possibility of reaching it can only make life more interesting.

Saturday, August 11, 2012

Tatlong Taon ng Kabaliwan at Kabalintunaan

Maligayang Kaarawan, Baliwantunaan!

Tatlong taon na din pala simula ng maisip kong gawin ang blog na ito. Bagaman madalang ko na ito napagtutuunan ng pansin, sa tuwing nababasa ko ang mga nakaraang post ko, kakaibang kagalakan ang nadarama ko. Nagmistulan na pala itong diary ko - ang bahagi ng akong pagkatao na nailahad ko sa madla. Masaya ako sapagkat kahit papaano, may maiiwan din ako sa mundo kung sakali man na mawala ako. Sa kasamaang palad, hindi puro kaaya-aya ang mga nakalimbag sa address na 'to. Kaya nga ako may babala sa itaas eh, hindi naman ako nagkulang sa paalala na para sa baliw na mambabasa lang 'to.

Nakabawi na ako sa 'yo.

Sa loob ng tatlong taon, samu't saring mga kwento, pananaw (kung maituturing man na pananaw talaga iyon), damdamin, karanasan, at syempre, kabaliwan at kabalintunaan ang naibahagi ko sa blog na ito. Karamihan dito, hindi ko masasabing pinag-isipan ko ng matagal. Hindi ako sigurado kung tama pa ba ang mga nililimbag ko. Sa kagustuhang alamin ang saloobin ng iba sa mga ginawa ko, sinubukan kong i-search ang sarili kong blog sa Google. Isa sa mga resultang nakapukaw sa aking pansin ay ang isang banggit na nahahanay sa "di pormal na sanaysay". Hindi ko ito ikakahiya. Sabagay, hindi naman ako talaga sumusunod sa mga teknikal na aspeto ng pagsusulat simula't sapul na gawin ko ang blog na 'to. Isana paraan lang ito ng pagpapahayag. Malaya. Kung ituring man ng mga teknikal na pag-aaral na masama ito, wala akong iindahin. Dito lang ako nakakadaldal. Ito ang pinakamadaling tawiran ko ng aking mga naiisip at nararamdaman, sapagkat di naman ako likas na makwento. Tahimik nga daw ako, reserved, introvert, mahiyain, at kung anu-ano pang maikakabit sa mga loner. Kaya't dito na lang ako humuhugot ng boses. Dito, ako ang hari ng mundo. Wala akong pinipilit na makiayon sa aking mga sinasabi, di tulad ng mga mapagsamantalang nasa kapangyarihan. Katulad din lang ako ng mga ilang tagapasimuno at tagapagpatupad ng batas, na kung minsan, sila mismo ang lumilimot sa mga patakarang kanilang ginagawa. Kalayaan ang habol ko dito. At sa aking pananaw, (naging responsableng mamamahayag din naman ako minsan, salamat sa campus journalism experience) nagawa ko namang magpaalala sa mga posibleng nilalaman nito. Ibinabalik ko sa mga tagamasid ang bola. Kayo na ang bahalang magsabi ng mga teknikal na aspeto. Basta ako, nagpapahayag lang nang may kalayaan.

Isa sa mga pangarap ko noong bata pa ako ay ang maging manunulat - kung hindi man ng mga nobela, kahit papaano, kahit sa mga pahayagan o kung sa iba pang naililimbag sa papel. Malinaw pa ang landas ko dito hanggang maghighschool ako. Pero sa huli, pinili ko ang isa ko pang gusto - ang pag-aaral ng batas (bagaman bigo sa simula). Sa ngayon, ang pangarap na 'to ay nagmistulan na lang na isang libangan, o kung hindi man, isang pampalipas oras. Minsan, madaming ideya o topic akong naiisip gawan ng lathalain (hindi pormal). Sa huli, dahil na din sa katamaran at kasipagan sa ibang bagay, hindi ko naisalin sa mga salita ang gusto kong ikwento. Dati, nagagawa ko pang isulat ang mga ideya. Pagdudugtungin, pagbabaliktarin, guguluhin, at saka aayusin para makabuo ng isang akda. Nung nag-aaral pa ako, nakakasunod pa naman ako sa mga pormal na istruktura ng pagsusulat ng mga sanaysay. Ngayon, makakaya ko pa din naman siguro, pero aminado ako na mahihirapan na ako sapagkat nasanay na ako sa ganitong istilo. Hindi ko pipilitin ang sarili ko. Masaya ako sa ganitong paraan. Magtatagpo din kami balang araw.

Hindi na muna ako mangangakong dadalasan ang pagpopost dito. Ayoko biguin ang sarili ko. Ayokong tuluyang dumilim ang matagal nang malabong pangarap ko sa pagsusulat. Gagawin ko lang ang gusto ko, na may kasamang konting responsibilidad. Dahil sa huli, ituturo pa din kita sa babala ko sa taas :) Yun lang ang kailangan kong palusot.

Tatlong taon. Babalikan kong muli ang lahat ng alaala ko dito. Tatawa, luluha, mapapangiti, sisimangot, mapapailing, mapapaisip. Salamat sa 'yo , Baliwantunaan. Ito ang totoo kong pagkatao. Walang itinatago, tapat sa bawat kataga.

Hanggang sa muli. Umaasa akong magpapatuloy ang kabaliwan at kabalintunaan sa susunod na tatlong taon, dekada, siglo, at milenyo.

#