Thursday, January 20, 2011

Kalikasan, Kaibigan???

Simula pa lang ng taon ay magkakasunod na masasamang balita agad ang sumalubong sa ating mga kababayan sa iba't-ibang panig ng bansa. Dumaranas raw sila ng malalakas na pag-ulan dulot ng pagsanib ng hanging amihan sa tail end ng cold front. Nakalulungkot isipin na madaming buhay agad ang binawi ng mga kalamidad na ito. Bagaman walang bagyo, nagdulot ng malawakang pagbaha sa madaming lalawigan ang malalakas na pag-ulan. Higit kumulang 50 katao na ang nasawi. Posibleng tumaas pa ang bilang na ito kung magtuloy-tuloy pa ang masamang panahon. Napakasaklap.

Napakahalagang bigyang-pansin ang isyu sa Climate Change (Global Warming). Napapanahon lang. Dapat nga matagal na itong inaksyunan sapagkat maaaring kasingtanda ng problemang ito ang mundo; nagkataon lang na ngayon lang natin nararanasan ang malakas na hagupit nito.

Ano nga ba ang Climate Change?

Isang teknikal na depinisyon ang ibinigay sa atin ng UN: "A change of climate which is attributed directly or indirectly to human activity that alters the composition of the global atmosphere and which is in addition to natural climate variability observed over comparable time periods (The United Nations Framework Convention on Climate Change". 21 March 1994.) Bagaman gawa ng kalikasan, hindi maitatangging TAO din ang isa sa mga nagpalala nito. May ibang kadahilanang bunga ng mga natural na pagbabago ng mundo : pagputok/aktibidad ng mga bulkan, epekto ng araw at buwan at paggalaw ng tectonic plates. At syempre, napakalaking TULONG din ng mga tao para maranasan ito. Kahit ang simpleng (hindi tamang) paggamit ng ilang piling appliances sa bahay at di tamang pagtatapon/pagsusunog ng basura ay nakakapagpalala sa kalagayan ng mundo. Maliit mang ituring, subalit kung susumahin mula sa kabuuang populasyon ng daigdig, malaking bagay na din ang nagagawa ng "simpleng" maling gawi.

Patuloy ang pag-unlad ng tao dahil sa teknolohiya. Sa kasamaang palad, kaalinsabay nito ang unti-unting pagkasira ng kalikasan, ng mga natural na bigay sa atin. Makakapal na usok, mga toxic/chemical waste sa mga bahaging-tubig, pagkakalbo ng mga kagubatan, pagguho ng mga bundok : ilan lang ang mga ito sa pinakamasakit sa matang epekto ng mga maling gawi ng tao. Walang silbi ang pag-unlad kung darating ang araw na wala na tayong matitirhan pa. TAO din ang maghuhukay ng sarili niyang libingan.

Ngayon, nagbibilang na lang ba tayo ng oras para muling matikman ang ikalawang paghuhukom?

Nakasaad sa Bibliya na hindi na muling "lilinisin" ng Diyos ang sangkalupaan sa pamamagitan ng malaking baha. Pero sa nangyayari ngayon, hindi maiaalis sa isipan ng ilan na maaaring isang "baha" din ang magwawakas sa lupa. Nakakatakot isipin kung totoong mangyayari ang naganap sa pelikulang 2012 . May mga pag-aaral na dahil sa patuloy na (abnormal na)pag-init ng mundo, unti-unting natutunaw ang yelo sa hilaga at timog na mga kontinente. Dahil dito tumataas ang sea-level, at unti-unting muling nilalamon ng tubig ang lupa. Kung magpapatuloy ito, malamang na tuluyan ngang maubusan ng matatapakan ang sangkatauhan.

**Nawa'y di na muling lipulin ang mundo sa pamamagitan ng baha.

Nakakapangamba talaga ang panahon ngayon. Ang mainit, nagiging sobrang init: ang malamig, sobrang lamig. Sa katunayan, naitala ang nakalipas na taong 2010 na ikalawa sa pinakamainit na panahon sa kasaysayan. Isa sa mga lubhang naapektuhan ay ang Russia matapos itong dumanas ng heatwave na nagdulot ng mga forest fires at pagkasira ng mga pananim. Sa Baguio, nagbunga ng sakit ang biglang pagbaba ng temperatura mula sa normal na antas nito. Nababago na talaga ang weather pattern. Kung kailan inaasahang tag-araw ay siya namang tag-ulan. Mas mahahaba na din ang itinatagal ng ganitong mga kapanahunan kumpara sa mga nakalipas na taon. Napipinto ang pagkukulang sa pagkain kung magpapatuloy ang matagalang tagtuyot sa mga lugar-pang agrikultura. At sa tuwing may darating naman na bagyo, mas nakakakaba sapagkat higit na malalakas ang mga dumadating na unos ngayon. Sino bang makakalimot kay Ondoy? Lumubog ang malaking bahagi ng Kamaynilaan ng dahil dito. Kay Pepeng, na matapos pumasyal sa Hilagang Luzon ay nawili pa yata at binalikan ang kawawang bansa? At muli, sa mga lumalagunos na ulan (ni hindi pa nga bagyo) na kasalukuyang pumipinsala sa maraming lugar sa Visayas at Mindanao? Ang malalakas na ulan na kalaunan lamang ay gumimbal at nagdulot ng malawakang pagbaha sa Australia? Biktima din nito ang Pakistan at Tsina sa nagdaang taon. Kahit ang malalaki at mauunlad na bansa ay walang lusot sa "ganti" ng kalikasan. Ramdam na talaga sa buong mundo ang mga epekto ng Climate Change.

Ngayon, mag-aabang na lang ba tayo? Hindi lamang paghahanda ang kailangan natin. Kailangang solusyonan ang problema sa Climate Change. Kung makakaiwas o malimitahan man lang natin ang mga masasama nating gawi na nakakapagpalala sa kasalukuyang sitwasyon, mas mabuti. Nagkakaisa ang buong mundo sa pagsugpo dito (kung hindi man tuluyang masugpo, kahit mabawasan man lang ang matinding dagok). Responsibilidad ng bawat isa, bilang mamamayan ng planeta, ang pangalagaan ang kanyang tirahan. Hindi maaaring aasa na lang tayo sa mga "eksperto" na kayang magpaliwanag at magbigay ng mga solusyon sa tinatawag na climate change. Hindi lamang ang gobyerno, o mga environmentalists o kung sino sino pang may "kapangyarihan" kuno ang kailangan natin. Sa mga mumunting paraan, maaari tayong tumulong sa pagwawakas nito . Palagay ko, hindi naman talaga "mga pwersa ng kalikasan" ang matindi nating kalaban dito - mga sarili natin. Kaibigan ang kalikasan. Ano bang dapat na ginagawa sa kaibigan?

Buksan ang mata. Mag-isip. Makiisa. Hindi pa huli ang lahat.

Wednesday, January 12, 2011

Sugar (-less) Free

I was one of those who were surprised by the news that Ebe (Vocalist) is leaving Sugarfree to pursue his own career. Though they are not disbanding yet, it's still sad to hear, as the band is one of my favorites.

I love how they mixed the traditional Kundiman and Alternative music to create a new sound. That's their trademark after all. Now, it's time to pay tribute to their music.

Just to share a couple of lines from their songs. I initially thought of making a story out of these lines (fictional, with a punch of a few real-life situations), unfortunately, I'm just too lazy to think. Well, let's try anyway.

Insanity starts here...


Para sa mga naghahanap at umaasa sa simula...



Sino, nasan, kailan ka ba darating at ako ay sagipin
Sa mundong malupit at naiinip
Sino, nasan, kailan ka ba?
(Kailan Ka Ba, Talaarawan, 2006)


Nanginginig na mga kamay
Puso kong hindi mapalagay
Pwede ba kitang tabihan
Kahit na may iba ka nang kasama
(Prom, Dramachine, 2004)

Ako'y isang malungkot na bata
Palakad-lakad lang
Wala rin namang mapupuntahan
Madalas, madulas at parang ayaw ko na
Buti na lang nandyan ka, Sinta
Pano na lang ako kung wala ka
(Sinta, Dramachine, 2004)

Saan saan nadadapa saan saan bumabangga
Ang puso kong kawawa may pag-asa pa ba?
(Hari ng Sablay, Dramachine, 2004)

Sa mga naghihintay...

Ano pang di ko kailangan gawin
Upang iyong mapansin?
Kelan ba matatapos ang awit
Ng pusong nangangawit?

Patawarin mo ako kung ang kinikilos ko
Ay kabaliktaran ng tunay na nadarama ko
(Nangangawit, Talaarawan, 2006)

Sa nagsisimulang kwento...

Kanina pa tayo magkasama umaga na pala
Maya-maya lang ay may araw na
Kahit tayo'y pagod buong mundo ay tulog
Ikaw at ako dere-deretso lang na walang pakialam
Kwentuhan lang wala namang masama
Puro usap lang ibaon mo na sa limot ang lungkot
(Kwentuhan, Dramachine, 2004)


Sa mga bihag at nangangako...

Nung hindi na nakatingin at saka ka dumating
Nandyan ka lamang pala Di ka lang nagsasalita

Ikaw pala aking hinahanap
Ang bahaghari ko likod ng ulap
Ikaw ang hulog ng langit sa puso kong napunit
Dahil sa dramang paulit-ulit
Kanina ka pa pala riyan
(Ikaw Pala, Mornings and Airports, 2009)

Kung hawak ko lang ang panahon
Wala nang kahapon at bukas, meron lang ngayon
Nais kong maging saysay ng aking buhay
Ay bigyan ang iyo ng kulay

Kung akin lang ang mundo
Ibibigay ko siya sa iyo
(Cuida, Dramachine, 2004)

Kung wala ka ng maintindihan
Kung wala ka ng makapitan
Kapit ka sa akin (kapit ka sa akin)
Hindi kita bibitawan
(Wag Ka Nang Umiyak, Talaarawan, 2006)

Kung marinig ang tibok ng aking puso
Sinasabing habang ikaw ay kapiling
Wala na akong hihilingin
(Wala nang Hihilingin, Mornings and Airports, 2009)

Tulog na mahal ko at bukas ngingiti ka sa wakas at sabay harapin ang mundo
(Tulog na, Dramachine, 2004)


Kahit sa unti-unting paglabo...

Hello, hello, hello
Naririnig mo pa ba ako?
Kung wala na tayo sa telepono
'Pag nandito na tayo sa tunay na mundo
Hello, 'di na kita naiintindihan
Malabo na ba ang linya sa ating dalawa
Hello, gising ka pa kaya?
Hello, nahihilo na ako sa 'yo
(Telepono, Sa Wakas, 2003)

Dinggin ang di kayang sabihin
Ng puso kong malapit nang mangawit
(Nangangawit, Talaarawan, 2006)


Sa mga kwentong nagwakas...

Pagkatapos ng lahat Tayo ay nagkasundo
Na di na muling magkakasundo
Sunugan na ng mga sulat Saraduhan na ng mga aklat
Magkalimutan na, magkalimutan na.
(Pagkatapos ng Lahat, Mornings and Airports, 2009)


Sa mga nasaktan, lumilimot, umaasang muli...


Nawawala kapag di hinawakan
Dudulas kapag di iningatan,
(Hintay, Sa Wakas, 2003)

Dahil katulad mo, ako rin ay nagbago
'Di na tayo tulad ng dati, kay bilis ng sandali

O, kay tagal din kitang minahal

O, kay tagal din kitang mamahalin

Tinatawag kita sinusuyo kita
'Di mo man marinig, 'di mo man madama
(Burnout, Sa Wakas, 2003)


Lumangoy sa alaala mo Lumangoy hanggang malunod sa iyo
Kung ang gamot sa aking sakit ay pag-ibig
Ako ay nauuhaw at ikaw ang aking tubig

Sa dinami-dami ba naman ng gustong malimutan
Bakit ikaw pa ang naiwan sa puso't isipan
(Hangover, Mornings and Airports, 2009)

Kung hindi ka na babalik
Araw-araw na akong gigimik
Kung malayo ka na
Ay malaya na ako
Ngunit ang kahapon ko
Ay bihag pa rin ng alaala mo
(Kung Ayaw Mo Na Sa Akin, Talaarawan, 2006)

At sa mga Naiwan...

Litrato mo sa isip ko
Tinig mo sa aking puso
Iisipin ko na lang

Walang paalam natutulog ka lang
Bukas paggising ko nandyan ka na muli sa aking tabi
Ikekwento mong mga nakita mo habang tayo'y magkalayo
Hanggang sa muli Ingat ka
(Walang Paalam, Mornings and Airports, 2009)


That's it. So long... Sugarfree!