Tuesday, July 2, 2013

Tayo. Sagot. Gising,

Naglalakad ako sa dati kong paaralan. Nakita kong nagkaklase ang isa sa mga iniidolo kong propesor. Umaligid ako sa classroom, maya-maya'y pumasok na din doon. Napansin niya ako at ipinakilala sa kanyang klase.

Kasalukuyang nagrerecitation ang mga estudyante. Tahimik akong nakinig sa kanila habang pinagmamasdan ang reaksyon ng propesor. Mula sa kung saan, may tumawag sa akin at pinatayo ako sa harapan.  

"Ano ang masasabi mo tungkol sa mga nayon?"

"Hindi maipagkakaila na may pag-unlad nang naganap sa mga nayon ngayon. Kasabay ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya, masasabi kong umunlad na din ang mga nayon. Sa kabila nito, may ilang bagay pa din na kailangang isaalang-alang para masabing ganap ang pag-unlad. Sa nayon namin, hindi lahat ay nagaganap ng naaayon sa pagsulong. May ilan pang hindi nagkakaunawaan. Marahil, hindi mangyayari ang ganap na pag-unlad hangga't ganito ang sistema- nagsisimula sa indibidwal, baranggay captain, mayor, congressman, governor, senador, hanggang sa presidente."  

Nakangiti sa akin ang dati kong propesor. Hindi ko alam kung dahil ba sa galak na makitang may nanatili pa din sa dating "ako" o dahil sa walang sense ang sinagot ko, o sapagkat iba ang gusto nyang marinig na sagot mula sa akin. 


===

Nagising ako. Panaginip lang pala yun.. 

===

Wala ng oras para sa sunod-sunod na mga tanong. Hindi na aabot sa isang oras na pagtayo at pagsagot sa mga nakakakabang question and answer tuwing recitation. Nakamulat na ako. Gising na ang diwa. Wala na ako sa paaralan. Nabawasan na ang pagkakataon kong ipaglaban ang mga isinagot kong walang sense. 

Sinasabing ang mga panaginip ay mula sa subconscious ng mga tao. Dahil dito, magagawa daw natin kontrolin ang mangyayari sa panaginip natin. Sa napanaginipan ko ngayon, siguro nga ang isang bahagi ng aking pagkatao ay patuloy na umaasang makakatayo muli ako sa harap ng klase, magrerecite, manginginig, subalit mag-eenjoy habang naghahalakwat sa isip ng kahit anong pwedeng isagot sa mga tanong at sigaw ng mga propesor. 

Nakakamiss talaga mag-aral. Katulad din lang ako ng karamihan ng mga kakilala kong nakalampas na sa yugtong iyon ng buhay. Hinihiling namin na makabalik sa pag-aaral. Kung pwede lang, sana nag-aaral na lang kami at hindi nagtatrabaho. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Kailangan na naming kumayod para mabuhay. Di na kami umaasa na lang sa mga magulang para bigyan kami ng allowance, pumunta sa paaralan at makinig sa mga lectures, mag-exam, magrecite, at maghintay hanggang matapos ang school year. Matatanda na kami. Kailangan ng tumayo sa sariling mga paa. Ito ang tunay na mundo pagkatapos ng paaralan. 

Muli, hindi ko pa din binibitawan ang hangarin kong makatuntong muli sa paaralan. Pero sa ngayon, ayoko munang mangako sa sarili ko na tutuparin ko ito agad-agad. May mga bagay pa akong kailangang unahin. Pamilya, SFC, Trabaho, Ipon - may iba pa akong priorities na kasalukuyan kong binibigyang-pansin. HIndi ko alam kung kailan ako makakabalik ... o kung makababaliik pa talaga ako. Sana, sana, sana. 

Tutulog muli ako. Mananaginip na muling tatayo. Magsasara ng notes. Lulunok. Pagpawisan. Magrerecite. Aasang gigising at mangyayari muli ang mga ito nang hindi nakapikit ang mga mata. 

Sunday, June 9, 2013

Overflowing. Ablaze. Overjoyed. All Over Again

It feels like it's just yesterday when we were the ones sitting in the front chairs; Bro. Marlon facilitating the talk; and the service team doing their tasks around the Risen Christ Chapel.

Now, it's our turn to be on the backseat as part of the Service Team, and serve our participants on this very special day. 

This time, we are at De Castro Chapel to celebrate Talk 9, Receiving the Power of the Holy Spirit. We intended to start early for this is a special day. Every special day should be celebrated and be felt for a long time, so we are expecting to end it late at night. We waited for the celebration of the Holy Eucharist to end, and then we set the place up by around 7pm. 

Here we go. 

===

One by one, our participants started coming in, well-dressed, and ready to receive the gifts of the Holy Spirit. It is  overwhelming just to see them arrive. We had quite a number of participants for Faithbook, this CLP's theme. Now I understand how it feels on the Service Team's end to hold this program for evangelization. As a participant, I used to come in every Saturday night filled with smile and hope for we have another day to enjoy the fellowship, to praise and worship Him, and to feel the God's love. I look forward to the short conversations with my fellow participants, the talk itself, and of course, to sing (with my out-of-tune voice) out loud. I'm on the other side right now, and I can feel the same excitement like before. I am excited for the events, the icebreakers, the lessons, and most of all, I'm excited that we have so many participants who are about to experience the same excitement we once felt. Their presence was enough to feel the accomplishment on our end. But this is just one of the initial steps. It may be a long way to go, but I'm sure that in God's grace, we'll surely welcome our new and fellow servants to the SFC community.

Like the last time, we started to take a very hearty meal before the start of the session. Hat's off to the Food Committee for coming up with such a nice dish :) . Our tummy's full, and now it's time to empty our loads. We had our confession before this celebration to cleanse us of our mistakes and be fully prepared for this special day. The facilitators had their one-to-ones with their groups. We're all set. 

Preparations are completed. We have a total of 18 participants receiving the gifts of the Holy Spirit. Bro. Marlon took charge of the talk - a very "powerful" one indeed. The participants had some laughs, serious looks in their faces, closed their eyes, then laughed again, had a handful of tears, and prayed. 

Our main event goes on. 

The surroundings got a little bit darker. The gifts were wrapped : all 9 gifts, in big boxes, in each participant's favorite colors and font. 

Our participants are now in a circle. Holding the oath, Bro. Marlon started one of the highlights of this Baptism. Accepting our mistakes, admitting they are our own, asking for forgiveness, and wishing to be purified with the power of the Holy Spirit. 

Eyes closed. Worship songs playing in the background. The individual prayovers started. 

One will love the solemnity of those moments.

Silent prayers recited all around. Every second. the place gets brighter - the same way that the participants, and even the service team, had unloaded all the unnecessaries and felt the power of the Holy Spirit working on them, on us. 

Overflowing. 

As the chapel went in full brightness, the prayovers ended, and the participants are now wearing those calm and happy faces. The celebration has reached its climax.

Ablaze.

Bro. Ross led the praisefest before ending this special day. Time to shout for joy, sing Him praises, and lift our voices unto the Lord. This is how we celebrate our praise and worship. This is a festival after all. The Holy Spirit manifests in everyone within the chapel. Dancing, rounds of applause, singing, raising hands, and everything. This is SFC. 

It is such a joy to be a part of this CLP, the Service Team, and this Chapter. We have never sang our hearts out like this in any other place and in the company of any other people. It is even more joyful to know that we have fully embraced the service and this commitment to have every single man and woman all over the world experiencing Christ. We just had a new batch of warriors, our new Brothers and Sisters. 

Overjoyed. 

In the following weeks, we'll celebrate another special event for our new Brothers and Sisters. We lift up the remaining days of our CLP, and may all our participants continue to experience the power and love of God the Father, the Son, and the Holy Spirit. We thank God for bringing them here and embracing them with open arms. 

We pray that we will continue to serve, be witnesses of Christ, doing whatever He tells us.

In Jesus' name. 

Monday, May 27, 2013

Backtrack : Marso Abril Mayo

Muntik na naman ako tamadin magpost sa nag-iisa kong journal. Ilang buwan din ang kelangang balikan para ma-update to. Yan kasi eh masyado naging abala sa kung anu-ano, nakalimutan tuloy magpost sa blog. 

Patalasin muli ang memorya. Isaimortal at itala ang kasaysayan. Heto na. 

===

Marso:

Isa sa mga highlight sa buwan na ito ay ang himalang (oo, himala) bakasyon na mahigit sa isang linggo. Mula nang magsimula akong maghanapbuhay ay ngayon ko lang naranasan ang ganito kahabang leave. Salamat sa mga natira ko pang leave credits last year, may magagamit ako ngayon para mag-enjoy. 

Unang gala: UAAP Women's Volleyball Finals. 

Dalawang taon na din mula ng huli akong makapanood nito. This time, kasama ko ang ilang sa mga kapatid ko sa SFC. Ako lang ata ang Green, lahat sila Blue :D. Never shall we fail: ayos na ang fellowship namin, panalo pa La Salle. See you next season na lang. 

==
Nagsimula na kami ng leafletting para sa susunod na CLP ng SFC Napico 2 Chapter. Unang pagkakataon ko na magserve. Ipinapanalangin ko na madami kaming maanyayahang dumalo at makasama namin sa paglilingkod sa Kanya.

==
Next stop: Date with Shin & Kay. ShinKayCoy Version _.0. 

Tawanan, hagalpakan, kantahan, lokohan. Eto ang palagi naming trip. At san pa ba kami pupunta? Eh di sa bago naman, sa Trinoma ulit XD . Pampawi ng pagod at pampapagod ng labi sa kakangiti pag kasama ko ang dalawa sa mga pinakamalapit kong kaibigan mula sa Uzzap. At marami pa kaming balak. Next time magrerecord uli kami ng video. Isip na kayo ng pwedeng kantahin. :DDD

==

At dahil bakasyon ko at magsisimula na ang summer, kelangan munang magpalamig. Baguio for the first time. :D

24 anyos na ko, pero ni minsan di pa ako nakatuntong sa Baguio. Ayaw ko namang matawag na turista sa sariling bayan, kaya ginagawa ko ng layunin ang makapunta sa mga tourist spot sa bansa. Unti-unti lang muna, ngayon ko lang lubos na maeenjoy ang kalayaan ko. 

Ang balak ko talaga nung una ay magsosolo trip. Gusto ko ulit maranasan na maligaw sa malayong lugar. Adventure para sa akin iyon, at dahil kay Monkey D. Luffy, mas nananabik ako kapag may naaamoy akong pakikipagsapalaran. Last minute, sumabit si Jeff, isa sa mga pinakakapinagkakatiwalaan ko sa SFC community. Makakatipid din ako pag may kasama at may makakausap, kaya diretso na. Martes ng hapon, ikalawang linggo ng Marso nang magsimula ang byahe namin. Lumapag kami sa Baguio mga bandang 10 na ng gabi. Heto na ang lamig! Triple ang lamig dito kumpara sa hometown ko. Isang malalim na langhap sa hangin ng Baguio at dama ko na ang simula ng pakikipagsapalaran. 

Tumuloy na kami sa transient house na narentahan namin. Dahil gutom na, napagpasyahan namin kumain muna bago matulog. Di masyadong maganda ang lasa ng natapat na pagkain sa amin, pero pwede ng pagtyagaan. Balik sa kwarto, tulog, at gising sa sobrang lamig na umaga. 

Swerte talaga kami, dahil sa transient house na tinuluyan namin ay nakausap at naging kaibigan namin sina Ate Flor, Mara, at Clara este Roseann. Kasama nila si Baby Hershey at ang kanyang Mama (sorry po nakalimutan ko name nyo). May inoffer samin ang tagapamahala ng transient house na tour sa Baguio. Magbabayad lang kami ng tig-500 at malilibot na namin ang mga tourist spot na walang kapagod-pagod sapagkat may sariling sasakyan. Ayos na yun, medyo nabawasan ang adventure pero sulit na din. 

Kwentuhan, biruan at tawanan lang kami habang bumabyahe at iniikot ang Baguio. Napakabait ng mga bagong kaibigan namin. Salamat Lord God sapagkat itinaon mo na makasama namin sila kahit ilang araw lang. Bell Church, Strawberry Farm, Tam-awan Village, Lourdes Grotto, Lion's Head, PMA, Camp John Hay, Butterfly Sanctuary (sa labas lang, sarado kasi), Botanical Garden (sa labas din lang, nirerenovate), The Mansion, Mines View, at Burnham Park. Isang araw lang at solve na ang Baguio trip.

Naudlot ang three-day stay sana namin sa Baguio. Ayos lang, sapagkat naimibitahan naman kami nina Ate Flor na sumama sa kanila sa Pangasinan. Sulitin na ang bakasyon! Namili lang muna kami ng mga souvenir, at sibat na sa Alaminos. Mula sa talampas, diresto kami sa mga isla. Hundred Islands daytrip naman. Salamat sa masayang bakasyon. Kelangan na uli mag-ipon ng leave credits para sa sunod na gala. :D

==

Marso din nang maitalaga ang bagong Santo Papa, si Pope Francis. Habemus Papam!

==

Holy Week sa huling Linggo ng Marso. As usual, wala kaming holiday sa trabaho, kaya weekend na ng makauwi ako. Pagkakataon ko na maitreat ang pamilya ko. Tinapos namin ang Marso sa isang family outing sa El Madero. 
===

Abril

Punong-puno ang schedule ko ngayong Abril. Chapter teaching and Fellowship, CLP, Sarah G. :), Sugarfree, first time meet-ups with long-time friends, foodtrip, at ilang beses na birthday celebrations. 

Ilang beses din ako nalate ng pasok sa trabaho dahil sa mga chapter teaching/fellowship. Mas malinaw na sakin ang mga priority ko, kaya sabi ko nga, di bale ng late sa work, masaya naman :))). Kaya ko pa din naman ibalance ang trabaho ko at ang pagiging myembro ng SFC. Habang nandito ako sa community, alam ko magpapatuloy ang magagandang nangyayari sa akin. Bagaman madami pa din akong haharapin na mga pagsubok, malalampasan ko ito sa tulong Niya at ng aking mga kapatid. 

Simula na din ng CLP namin. Kung dati isa ako sa mga umuupo upang makinig sa harapan, sa pagkakataong ito nasa likod naman ako at nag-aasikaso ng mga papel. Salamat at ipinakatiwala sa akin ang isa sa mga tungkuling makapaglingkod sa pagkakataong ito. Nawa'y maging matagumpay ang CLP namin at madami kaming mapagraduate. All these are for you, Lord God :)

==

Hinding-hindi ko palalampasin ang ikatlo at huling (sana may part 4 :D) bahagi ng kwento nina Miggy at Laida. Tatlong beses ko din to napanood. Yung una kasama si Neng ko mula sa Uzzap; yung pangalawa kasama ang anak ko sa Uzzap sa unang beses naming pagkikita :); at pangatlo kasama naman ang Inay :).  Di ako ganun kaadik kay Sarah. (Trivia: Habang isinusulat ko ito, kasalukuyan kong idinodownload ang movie. Makakailang beses ko pa ito panonoorin :D) 

 It just takes a star to get up so high :)

==

Parang kailan lang, 24 lang ako. Ngayon 25 na. Punong-puno ako ng galak sa dami ng mga bumati at sa makailang beses na selebrasyon ng aking pagtanda. Mula sa Ketchup Inscription at mini Kid's Party sa Mcdo kasama ang aking SFC Family, sa photo collage at cake mula sa aking mga teammates sa trabaho at iba pang kasamahan, hanggang sa pagdiriwang nito kasama ang aking pamilya: lahat nang ito lubos akong napasaya. Di ko ramdam na tumanda ako. It's been a while since I had this kind of celebration. Thank you Lord God :)

==

Punuin ng musika ang paligid. Muli, kumpleto ang ShinKayCoy sa pagdiriwang ng musika ng Sugarfree, ang paborito naming banda. Ikalawang theatrical play na napanood ko at mananatili sa aking pandinig ang musika nila. Sa Wakas! Isang kwento ng pagwawakas ng isang pag-ibig at pagsisimula ng panibago. Bukod sa nakisabay ako sa mga awitin ng pinakaastig na banda, naka-relate din ako sa daloy ng kwento. Nakakaluha ang tagpo ng hiwalayan. May naalala ako na di na dapat alalahanin :-/. Sana, katulad ng kwentong iyon, matapos ang isang pagwawakas, makahanap naman ako ng bagong simula. 

Natagpuan ko na ang tunay kong ligaya. Lumabas ako ng Kwarto't naroon sya. 
==

April is Uzzap friend's month meet-ups for me. Unang linggo, kasama ko si Neng na manood ng It Takes a Man and a Woman. Ikalawang linggo, ang Shinkaycoy sa Sa Wakas. Ikatlong linggo, ang aking anak-anakan, para sa It Takes 2.0 at foodtrip sa Mega. Habol din ang mga Adikkk at Baliwww na kaibigan mula unang room ko sa Uzzap, ang S11. Syempre, foodtrip din. Busog na busog ako sa tawa kasama sila. :D

Sunod!
===

Mayo

Okay, nakahabol na ako ng 1 post per month. Dapat 3 post na 'to eh, para lang masabi na may naitatala ako dito kada buwan. Ayos na 'to. Maingay na ako masyado. Pero di bale, at least may babalikan ako pagtanda ko, mababasa at magpapaalala ng mga nangyari sa mga nagdaang panahon. 

May One. National Holiday. Para sa mga fans ng One Piece sa Pilipinas :D

Sa unang pagkakataon, ipinalabas sa pinilakang tabing ang One Piece. Matiyaga kong hinintay ang petsang ito at di nanood sa internet kahit pwede naman. Iba pa din syempre kapag sa big screen ito panonoodin di ba. At di ako nagkamali sa pag-aabang dito. Kasama ang isang matalik na kaibigan, sinugod namin ang Mega para maging mga pirata.

==

Unang weekend ng Mayo. Unang gala kasama ang mga katrabaho papuntang Tagaytay. Mukhang mapaninindigan ko na ang pangakong every month may out-of-town trip. Halos biglaang lakad din to, originally Anawangin sana ang destination. Sulit na din, nakapagpalamig naman kami mula sa stressful na trabaho at nakakain at nakapagrefresh sa Tagaytay. Gusto ko sana magretreat, ayaw lang ng mga kasama ko. Babalikan ko na lang muli ang pinangakuan ko doon. At ipapakita ko sa kanila ang resulta ng soul-searching na sinimulan ko noong kabilang taon. 

Memorable ang kain sa Leslies. Bukod sa nakakain ako ng solid sa pagkakataong ito (unang beses nag milk shake lang ako, solo lang kasi), kinantahan pa kami ni Ate ng You Changed my Life. Nahulaan ata na Sarah fan ako kaya sakto, ayun lagas ang Manuel Roxas. :D Matapos kumain, kape naman sa Starbucks. Konting lakad, at diretso na sa Pink Sisters. Pagkakataon na manalangin :) First time ko din doon, at naenjoy ko naman ang paligid. Ang sarap pakinggan ng katahimikan, sabagay tahimik din naman akong tao (dito lang ako maingay :P). Ilang saglit pa at dumiretso na kami sa Picnic Grove at doon nagpaabot ng dilim. Sana lang pwedeng iuwi ang humahampas na hangin sa aming mga mukha. Nakakatanggal ng pagod ang hangin. Ang sarap sana matulog doon. Ginawa lang naming viewing deck ang isa sa mga cottages dun, at kinalaunan ay umuwi na din sa aming mga tahanan. Ayusin na ang susunod na gala, next time kainan naman. 

At speaking of kainan, napapadalas na ang pig-out ko kasama ang mga katrabaho. Sira ang pinaghirapan kong diet nito. Ubos na yung iniinom ko. Bahala na. Less rice na lang :D. 

==

Ikalawang linggo ng Mayo. Ikalawang Lunes. Halalan na naman. 

Kelangan ata may sariling post para sa topic na 'to. Pero pipigilan ko muna ang aking sarili. Madami akong gustong ilabas na saloobin sa nagdaang halalan. Batikos, hiling, at kung anu-ano pa. Karapatan ko ito bilang isang mamamayan ng bansa. Sa ngayon, magmamasid na lang muna ako. Hindi muna ako maghuhusga, kahit sa isip at salita ko ay may ilan na akong napuna. Hihintayin ko na lang ang status report mula sa mga bagong halal na pulitiko. At tingnan na lang natin kung ano ang aking magiging susunod na aksyon. Hindi pa din ako nawawalan ng pag-asa para sa bayan na 'to. May maitutulong pa ako, kahit man lang sa pamamagitan ng aking panulat. Mabigyan pa sana ako ng pagkakataong makalahok sa pamamagitan ng iba pang gawaing sosyal. 

==

Isang di magandang balita ang aking natanggap. Pumanaw na ang aming Kakang Eboy. Siya ang panganay sa mga kapatid na namayapa ko na ding Tatay. Isa sya sa mga palaging kumukumusta sa akin sa tuwing umuuwi ako sa Lipa. Mula bata pa ako, ilang beses na din nya akong natapalan upang magamot ang sari-sari kong karamdaman. Madami syang naitulong sa buong angkan, lalo't higit sa mga taong lumapit sa kanya upang magpagamot. Sa dami ng kanyang natulungan, alam kong mapayapa at masaya siyang tatanggapin sa kaharian ng Diyos sa langit. Sana po ay patuloy niyo pa din gabayan ang mga nagmamahal sa inyo lalo sa inyong pamilya. Salamat po sa lahat ng naitulong ninyo sa amin. Hanggang sa muli, Kakang Eboy. Alam namin na masaya na kayo ngayon at mapayapa kasama ang Tatay, Mamay at Nanay dyan sa piling ng Maylikha. 

Sa muling paglipad ng mga puting lobo, unti-unting papawiin nito ang mga bakas ng luha mula sa inyong mga naiwan. 

==

Patuloy pa din ang mga activities namin sa SFC. Masaya ako at madami pa din ang dumadalo sa lingguhan naming CLP. Magpatuloy pa sana ito hanggang sa Talk 12, at maging mga aktibong miyembro din sana sila sa community. Ang sarap ng pakiramdam na nakakapaglingkod sa Diyos at sa kapwa. Nawa'y patuloy na mag-alab ang aming mga puso sa paglilingkod sa Inyo. 

==

Patapos na ang Mayo. Nakabawi na ako sa'yo, Baliwantunaan. Madami pa akong mararating. Madami pa akong maisusulat. 

Ihahanda ko na ang aking pluma at papel para sa susunod na kabanata. 

#

Tuesday, February 19, 2013

"Do whatever He Tells you" : Our ICON Experience

We just had another one of those life-changing experiences as members of the Singles for Christ Community. This is something we'll surely remember for the rest of our lives. We're happy and thankful to say "I was there to witness!"

Our chapter took part on the recent 20th SFC international Conference (ICON). We were part of some 8000 disciples all over the world experiencing Christ gathered to celebrate our praise and worship for Him. The event took place at the World Trade Center, Pasay City on the weekend after Valentines, 15th-17th of February. Here are some notes on our date with God.
===

Day 1, 15th Feb

Friday evening marks the start of the biggest ICON in Metro Manila. Our chapter prepared for this as early as 2pm, considering the travel time and assembly of all members. We arrived at the venue by around 6pm, just in time to catch the celebration of the Holy Eucharist. With thousands of delegates around, one will really feel the closeness of God to all of us. We are all there to Obey and Witness. As a first timer, I am really thankful for the heartfelt acceptance and fellowship I experienced even just on the first day of the conference. There's more to come, and I can't wait to share the lessons I will learn from them.

After the mass comes the Opening Ceremonies: a praisefest with some words to reflect on in between the praise and worship songs. It is just so contagious a feeling to see all those hands clapping and raising their hands to praise and worship the Lord our God. With closed eyes, tears, shouts and silent prayers all around, this really is the happiest place to be in.

The theme of this year's ICON is "Obey and Witness". So the first session started shortly after the opening ceremonies. Before we can witness, there should be an INVITATION : the topic of the first session. Bro. Jeremy was the talk giver, and he started with a mention of the 6 W's to summarize this entire ICON :

Wedding - Wedding at Cana, the first miracle performed by the Lord Jesus Christ
Water and Wine - The objects of miracle
Woman - Mama Mary, the source of the lines which served as the theme
Word became flesh - Jesus Christ, our Saviour
Worker - the followers, the Witnesses on how the water was turned into wine

We are all present in this celebration because we were first invited. We became members of SFC because we were first invited.

"Everyone's invited to join in a joyful celebration and be with Him."

"Heaven is our Ultimate Destination. Let us seek for an Eternal Union with God."

We should be in union with God for we are One Body and Many Parts. "For as in one body we have many parts, and all the parts do not have the same function, so we, though many, are one body in Christ and individually parts on one another (Romans 12:4-5)" This union was also mentioned back in the book of Genesis, the story of Creation of Man whom God created in his image and likeness, the same way on the union of Jesus and the Church.

Our response to the invitation is clear: YES, I DO!

I am one of those who want to thank SFC for bringing God to my life.

This caps off Day 1 of the ICON. We took a quick rest and prepared for Day 2.

===

Day 2, 16th February

Our destination for today is the Ninoy Aquino Stadium in Manila, wherein the daytime activities/workshop of the ICON was scheduled. We had a couple of opening worship songs to start the day it was followed by the first workshop conducted by Bishop Teodoro Bacani. The title of the workshop is OBEY. On the duration of the workshop, hand-outs containing the Nicene Creed were distributed to the delegates. Bishop Bacani started with the definition of creed as a symbol and a profession of faith. He stated three ways on how why we obey. First: through our senses; second, through reasoning; and third yet most important, through believing.

"Your word is greater than our senses."
"Your word is greater than our reasoning."
To obey is to have faith in our heads, hearts and hands. Faith, Trust, and Obedience

Bishop Bacani also stated that Philippines is one of the most religious countries in the world. Unfortunately, this also is one of the places with widespread corruption. Why the irony? According to him, the reason behind this is our religion was displayed through celebrations, instead of fulfilment.

We then had our activity: the Nicene Creed was divided into seven parts, and we are to write ways on how we will live each part on the papers given to us.

The first part is about the belief in the God Almighty. Nothing is impossible with God. Not even the scientific theories of how the world was created can explain everything.

The second part revolves on Jesus Christ, and how He came on earth. He is the "Word that became flesh, and made his dwelling among us, and we saw his glory, the glory as of the Father's only son, full of grace and truth "(Jn 1:14).

The third part also discusses on how through the Holy Spirit, he became man. This happened with the Virgin Mary's acceptance to the invitation, and the Word became flesh.

The fourth part tells about the sacrifice Jesus made for our salvation: how He died and was raised again. Jesus has risen and He is still with us.

The fifth part is on the Holy Spirit. It makes us alive.

The sixth speaks of the Holy Catholic and apostolic church. We are the Church, and Christ is our head.

The last part of the creed: the forgiveness of our sins and the promise of resurrection and the world to come. "God is greater than our hearts. "

We had our lunch and a fun activity before the second workshop. This time, Mr. Edwin Lopez was the presenter. It was one of the liveliest workshops for Sir Edwin had his great share of icebreakers from time to time. His talk is entitled "WITNESS", the other half of the theme. He started by telling his love story.

"Even tragedy is grace."

"Panindigan mo ang buhay; Paninindigan ka ng Diyos."

These words struck me. I suddenly had to look back. I closed my eyes, and said a short prayer.

He proceeded with the elements of being a witness. Eight items used in a short narrative:
Rock, Key, Sheep, Alarm Clock, Dove, Buffet Table, Pillar, and Cross.
Rock - Peter, the First Pope
Key - Golden Key to Heaven ( Mt 16:19)
Sheep - How we should follow Him (Jn 21:5-17)
Alarm Clock - He will be with us always (Mt 28:20)
Dove - The Holy Spirit (Jn 14:16)
Buffet Table - the Disciples (Mt 28:18-20)
Pillar - The Foundation of Truth (1 Tim 3:15)
Cross - The sacrifice, how we should carry our cross (Lk 14:27)

Sir Edwin also talked about kindness. It should consist of an Act, Motive and Circumstance. All things should be positive, because if not, everything will be wrong.
Some points on Love:

"Love without pain is sentimentality."
Before we love, we should be ready to get hurt. Love even if it hurts.
"He who cannot sacrifice cannot love."
"Perfect love demands perfect sacrifice."
"The language of the Cross is the language of Love."
All these, Jesus Christ have willingly done for our salvation.
"Suffering is a positive element in life."
"Where the cross is, Christ is."
To be witnesses, we must deny ourselves, carry our cross, and follow Him (Lk 9:23)
Love is not just a feeling. We are not the chemicals in our bodies. We should not love or be an "Angus Cow", someone that is so soft and incapable of loving.

Here's to the workshops. We're back at the World Trade Center for two more sessions and the celebration of the Eucharist.
Bro. Rob Escano is the main speaker for Session Two: EMPTY. "We were not born empty" is the starting line of his talk. On the latter part of the session the following were provided:

Emptiness is not a punishment.
Emptiness is a longing for love.
Emptiness is a longing for God.
Emptiness is an opportunity to choose again.
To break out emptiness, the key is LOVE.
L - Longing for God consciously and consistently.
O - Obedience
V - Virtue of humility
E - Enlighten our hearts and minds

Three sharers from other SFC Chapters were also called to tell us their stories.

First is Sis Nat from Australia. Her sharing is all about the abundance of material things, yet she's missing something. Material things, riches, success and others are not bad. They are just not good enough. God completed the emptiness she felt back then.

Second is Bro. Brian from Cebu. His is a story of Service challenged with lust. He has been inactive in SFC for two years and experienced hindrances brought about by the worldly desires. Through prayers, he was able to defeat the temptation and returned to active service in the community.

Third is Sis Rhina of SFC Meralco. Her story was of a dark past but was cleared with the acceptance of her fellow SFC members.

God invited is with LOVE. Our response should be I LOVE YOU TOO.

Session Three immediately followed. This time, it is all about TRANSFORMATION. Bro. Melo is the presenter for this one. Again, the story of the Wedding at Cana was referenced. This is how Jesus transformed the water into wine. Mary told the workers to "Do whatever He tells you", and they filled the jars with water to the brim as instructed by Jesus. To transform our lives, we must accept Jesus and obey Him. He alone can fill our jars. The people around us help in this transformation.

Another batch of sharers was called. First was Bro. Joejerry, and his tale was probably one that could be told to the next generations. It was a story of total transformation, from a life filled with worries, darkness, and dangers to a life centered around God. Not too far from the same scenario was Bro. Ronnie's experience. Both of them have horrible pasts but overcame it and looked onward to a bright present and future by turning to Jesus Christ. It is about accepting Him and surrendering themselves to Him.

The crowd was silent and in a prayerful mood while listening to their stories. Everyone has to reflect, and ask ourselves the same questions they have experienced. We came up with the same answer. The answer is Him.

Wrapping up Day 2 was the celebration of the Holy Eucharist with His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle. It was my first time to hear a mass celebrated by our Cardinal, and it is such a joy to listen to his homily. It was also one of the most insightful celebrations I have attended. He shared a reflection on the Wedding of Cana, his past experience other words of wisdom to the delegates.

Thank you Lord God for all the blessings!

===

Day 3, 17th February

Another celebration of the Holy Eucharist started the final day of ICON. Breakfast and the opening worship followed to fire up our spirits for the last session. Bro. Shok Arriola was the facilitator of the final session : WITNESS.

Again, three things are required to be a Witness of God:

Invitation
Response
Effect

How did God invited you? What is your response? What is the effect of that response?

Bro. Rod had shared his story of being a witness. He was once challenged: in his family, service and lovelife. He fought back by being a witness, by saying YES to the invitation.

"Every YES is challenging, but the Lord will bless us a 100 times more."

The next sharer is Sis. Jen. She is a kasambahay who voluntarily joined the community. Her story proved that statuses does not matter in the SFC community. We are all equal in the eyes of God.

The third is Sis. Ivy. Her family lost her Dad and brother through different circumstances. Despite these, she is still fighting the good fight with the Lord.

Sis Candy is the last sharer for this ICON. She was once an accident victim. She experienced the misfortune while carrying out her service to the community. Not even that accident can prevent her from fulfilling her commitment to the community.

To end the session, Bro. Shok asked us to be a witness and to respond by saying : I AM!

Are you a WITNESS?

I AM!

I - In union with God.
A - Agent of Change
M - Make Mary's Choice.


We had another blast of praise and worship songs to conclude the ICON. Singing to our hearts content, raising our hands, asking for the Holy Spirit to come to us, praying in the silence of our hearts: This is Life with God.

===

I wish to thank my fellow brothers and sisters from the SFC Napico 2 Chapter for this wonderful experience. It wouldn't have been such an experience if not for your company. Together, let us heed Mama Mary's call to "Do whatever He tells you."

For all these, May God be Praised.

See you on the next ICON at CDO. :)

Tuesday, February 12, 2013

Enero, Pebrero... Lubi - Lubi

February na pala. Ambilis lumipas ng unang buwan ng taon. Isa na namang pagbabalik tanaw ang aking naiisip sa tuwing darating ang buwan na ito. Dahil sentimental akong tao (half senti, half mental :P), hayaan nyong lumingon ako sa nakaraan.

Now Playing: Handog (Sarah G. Version)

Parang kailan lang ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin...

February 2, 2009. Apat na taon na din pala ang nakalipas mula nang magsimula akong magtrabaho sa Kamaynilaan. Apat na taon na din pala akong nagsasarili, nagpupumilit tumayo sa sariling paa at nabubuhay na halos mag-isa. Andami na din palang nangyari. Nagsimula ako bilang isang promding napadpad sa Paranaque. Doon ko naranasan ang kumain ng dalawang beses lang sa isang araw. Palaging half pa yung serving ng gulay (oo, gulay, sapagkat kinailangan kong magtipid bago matikman ang unang sweldo), makisama sa mga roommate ko sa maliit na kwarto, maglaba ng sariling mga damit, at syempre, malayo sa pamilya nang matagal. Desisyon ko naman na dito maghanap ng ikabubuhay. Sabi ko nga, mas madami kasing opportunity sa kabihasnan. Mas madali akong kikita kumpara sa probinsya. Bagaman hindi na din naman masyadong nalalayo ang minimum wage sa amin dito sa Maynila, pinili ko pa din dito sapagkat mas mapapatibay ko pa ang sarili ko sa mga susunod na hamon ng buhay na mag-isa kong haharapin. Isa lamang ako sa milyong taga probinsyang lumuluwas dito para maghanapbuhay. Mas maliwanag kasi dito. Pero mas maingay, mas magulo, mas madaming tao. Sabayan na lang ika nga. Naiimagine ko pa noon ang sarili ko na parang isa sa mga tauhan ng "Mabangis na Lungsod". Sana naman hindi ganoon ang mangyari sakin pagtuntong ko sa maliwanag at maingay na lungsod.

Ilang beses din akong lumipat ng tirahan habang nagtatrabaho sa Paranaque. Mula sa 9th St., napadpad sa Marikina, at bumalik sa Paranaque malapit sa kumpanya, lumipat sa kapitbahay kung saan nabiktima ng Bagyong Ondoy ang aking sapatos at kalahati ng kwarto, hanggang mapadpad sa 5th St., ang huling silid ko doon. Mahigit dalawang taon din akong nagpalaboy laboy sa Paranaque. Nasanay na akong tumayo sa sariling paa. Ilang unos na din ang hinarap ko nang mag-isa. Hanggang sa dumating ang isang bagong oportunidad upang maging masaya at umunlad.


Pebrero 2010. Sumubok akong muling dugtungan ang naudlot kong pangarap. Nagtake ng entrance exam sa isang kilalang paaralan sa Maynila. Nalito, nagulumihanan, naglakas-loob, para lamang makahakbang ng kahit isang baitang patungo sa abogasya. Naging matagumpay naman ang unang hakbang ko, salamat sa mga kaibigang nagpahiram ng memory aides at sa memo plus na nagpatalas umano muli ng aking alaala. Di kalaunan, naging mabato ang tinahak kong landas. Siguro naging malabo lang ang aking paningin, at hindi na kinaya ng reading glasses ko ang ulop na nakapaligid sakin. Hanggang sa tumigil ang mga hakbang. Ikinahong muli ang mga babasahin at sulatin, at nangako sa sariling maglalakad na lang muli kapag kumpleto na ako sa kagamitan --- at lakas ng loob.


Pebrero 2011. Dalawang taon na ang nakalipas. Di ko napansin, angbilis talaga ng buhay. Saktong dalawang taon na mula nang una kong makita ang unang naging kahati sa ligaya, lungkot, lambing at luha. Mahigit isang taon ko din syang nakasama. Umabot naman kami sa Pebrero 2012 kung saan naranasan ko pa din ang tamis ng lumalamlam nang pag-ibig. Naging masaya ako bagaman nagwakas na ang yugtong iyon ng aking buhay. At ngayong Pebrero 2013, ngingitian ko na lang ang isang magandang alaala, walang pait o hinanakit, at aasang muling makakahanap ng panibagong magbibigay-buhay sakin.


Pebrero 2011 din ng magbukas ang isang pintuan sakin. Kasalukuyan pa din akong nasa loob ng tahanang sa kabila ng pintuang iyon. Halos dalawang taon na din ako dito. Nagpapasalamat ako kay Lord God sapagkat patuloy ang mga pagpapalang ipinagkakaloob niya sa akin sa tahanang ito, bagaman hindi ako karapat-dapat. Para sa lahat ng biyaya, salamat, Panginoon, Salamat.


Pebrero 2013. Nalalapit na ang isa sa mga kaganapang inaabangan ko. Ang lahat ng karanasan ko sa nagdaang apat na taon : tagumpay, kabiguan, pag-ibig, pagkasawi, pagbangong muli, panunumbalik- ngayo'y aking ipagdiriwang kasama ang bagong pamilyang nagpapasaya sa akin ngayon.


Sa uulitin. Hanggang sa susunod na Pebrero na maitatala ko.

Sunday, February 3, 2013

A Celebration of Love: Jeff and Mimi

January 12, 2013 - This marks the start of a lifetime celebration of love; the day they've been waiting for since the first moment they found each other and felt a mutual connection. It has finally arrived - the best day of their lives since falling in love: the formal exchange of vows, and the promise of a lifetime commitment. 

They were highschool classmates. They haven't had a chat back in those years though. Their story had to wait a couple of years later, when they had another chance to fully know each other, and eventually seeing a spark in every conversation they had. 

Like every valiant warrior, he declared his love for her, fought through all the adversities, and emerged triumphant in the end. From this day onwards, he will be her stronghold and lifetime partner. 

She had found the person she's been dreaming of: "someone whom she can wholeheartedly accept; introduce to her family and peers, walk side by side not being ashamed of; whose laughter would be the music that plays in all their conversations; who will bathe in sunlight and heat in the rain with her; who can make her laugh without trying real hard; who even with her imperfections would love her; who wouldn't get tired of her; who can make her appreciate life; who will journey with her in understanding the enigma of this universe; and above anything else, someone who's just for her." All this, she found in him. 

Parted by seas, they had to endure not seeing one another for some time. Nothing can beat a love so strong; distance and time zones doesn't matter for them, for what they have is a God-given gift of love. 

This is just the start of another chapter in your story. Stay in love with each other. You both have great support groups in your families, friends and loved ones. And more than anything else, put God in the center of your relationship. 

Never give up on your love, even if the skies get rough. 
Put your arms around each other and you're home. 
Grow old in each other's company 
Where the skies are blue, you'll see each other again. 
Thank God you found each other. 

Congratulations and Best Wishes, Mr. and Mrs. Jefferson Belo!

Thursday, January 3, 2013

Balik-Tanaw sa Dos Mil Dose

Isang taon na naman ang muling lilipas. Madaming naganap; madaming kwento ang nagsimula at nagwakas. Kasabay ng pamamaalam sa isang taon ang pagsalubong sa isang bagong simula.

Naging laman ng mga balita sa nagdaang taon ang ilang kontrobersiyang nakalimbag na sa kasaysayan ng bansa. Sinong makakalimot sa kauna-unahang Impeachment Trial na natapos ng Kongreso? Napatalsik ang isa sa mga pinakamataas na opisyal ng pamahalaan matapos ang ilang buwan ng pagbubuno ng prosekusyon at depensa na nasubaybayan ng taumbayan. Naging interesante ang mga pangyayari at ang proseso partikular na sa mga nasa sangay ng pamahalaan: ehekutibo, lehislatibo at hudikatura .

Bago matapos ang taon, naisabatas ang isa sa mga pinakakontrobersyal na panukala, ang RH Bill. Nasubok ang paniniwala ng mga Pilipino, ang katayuan ng relihiyon, at ang tunggalian ng Simbahan at pamahalaan sa isang panukalang batas na tumatalakay sa buhay. Gumawa din ng ingay ang Sin Tax Bill at Anti-Cybercrime Law. Bagaman hindi pa naipatutupad, asahang hindi pa tapos ang proseso sa mga ito.

Ilang trahedya din ang naganap sa taon. Hinagupit ang katimugang bahagi ng bansa ng Bagyong Pablo. Sa kasamaang-palad, madaming buhay ang binawi sa panahong malapit na ang kapaskuhan. Matindi din ang naging hagupit ng habagat na tumama sa napakadaming lugar, partikular na sa Hilaga at Timog Katagalugan at Maynila. Isa na lang siguro sa mga dapat ipagpasalamat ay hindi naging kasing-tindi ng Bagyong Ondoy ang pinsala at mga biktima nito. Napaghandaan ang pagdating ng sama ng panahon, salamat sa mga aral ng nagdaang kalamidad. Namayani ang espirito ng bayanihan sa panahon ng kagipitan: isa sa mga magagandang ugaling dapat lamang na pagyabungin ng mga tao.

Nagluksa ang buong bayan sa pagpanaw ni Mang Dolphy. Isang haligi ng industriya at kulturang Pilipino ang namaalam. Walang hindi nakakakilala kay Pidol, sapagkat minsan ay naguhitan nya ng ngiti ang ating mga labi.

Isa din sa mga namaalam si Jesse Robredo, kalihim ng DILG. Isa sya sa ilang mabubuting pinunong natitira sa gobyerno. Nawa'y tularan ng mga kasalukuyang nasa pwesto at ng iba pang nag-aasam ng posisyon ang tulad ni Jesse.




Naging ganap na ikalawang Pilipinong Santo si Pedro Calungsod. Nagdiwang ang buong bansa nang dahil dito.


Dalawang beses na natalo ang pambansang kamao. Nagapi man, malugod nyang tinanggap ang nangyari. Sana'y maging ganto din ang ugali ng lahat pagdating sa mga kompetisyon at eleksyon. Bagaman may kabiguan, ipinagdiwang naman ng bansa ang patuloy na pag-angat ng Filipino Flash.
Nagchampion din ang National Basketball Team sa nagdaang Jones Cup, ang torneyong huli nating napanalunan noong panahon pa nina Johnny A at Alvin Patrimonio. Bukod sa kanila, may ilan pang mga Pilipino (o may dugong Pilipino) na nakilala sa buong mundo dahil sa husay sa iba't ibang larangan. Muntik na naming maiuwi ng bansa ang Miss Universe. Muntik na din manalo si Jessica Sanchez sa American Idol. Bigo mang makasungkit ng medalya sa nagdaang olimpyada, patuloy pa din ang pagpapakita ng mga Pilipino na kaya nating makipagsabayan sa mundo.
===
Hayaan nyo naming ibahagi ko ang ilan sa mga pangyayaring humugis sakin ngayon taon.

Sinimulan ko ang 2012 ng may ngiti. Nagdiwang ako ng New Year at Valentines na may nakakausap ng malapit sa puso bukod sa pamilya at mga kaibigan. Nagcelebrate ng anniversary at iba pang munting tagumpay at alaala kasama ang tinawag kong mahal. Bagaman magkahalong saya at at lungkot ang nanaig samin sa unang apat na buwan ng taon, mas nangibabaw sakin ang kagalakan sapagkat may isang taong tumumbas sa pagpapahalagang ipinakita ko.

At tulad ng ibang kwento, nagwakas din ang samin. Siguro nga hindi talaga 'to para sa akin ngayon. Ang ilang sumunod na linggo ay naging mahirap. Nasanay muli ako sa pag-iisa at katahimikan. Madami akong natutunan sa mahigit isang taong pagsasama namin. Higit akong natuto sa pagwawakas nito.

Sa gitna ng kalungkutan, may dalawang bagay na muling bumuhay sakin. Una, ang isang bituing nagdulot ng liwanag. Bagaman sa kaunting panahon lang, muling nagliwanag ang paningin ko. Taglay nya ang lahat ng mga katangian na pinapangarap ko. Galing nga siguro sya sa isang panaginip. Simula ng masilayan ko sya, mas sumigla ako sa trabaho. Nagmistulan akong tagahanga at estudyante sa mahusay kong guro. Isa sya sa mga dapat kong ipagpasalamat ngayong taon.

Nanumbalik ang interes ko sa pagsusulat. Muling lumikha ng mga tula at kung ano-ano pang kaewanan. Nabuhay din ang blog kong nakaligtaan ko sa mahabang panahon. Salamat sa isang bituin.

At ang ikalawa at patuloy na nagpapasaya sakin, ang panunumbalik sa pananampalataya. Hindi naman sa itinakwil ko ito minsan, bagkus, isinaisantabi. Malugod Niya akong tinanggap muli noong tinatawag ko sya. Sa mga panahong natahimik ako matapos ang isang magandang awitin, muli akong nakarinig ng magandang tinig. Sumunod ako sa tinig, at ito na ako ngayon. Nagpapasalamat ako ng lubos sapagkat nandito ako. Nagsimula akong muli, nanalig, at nangako na magsisilbi sa Kanya. Nahanap ko at nakilala ang isang komunidad na tila ba matagal ko nang hinahanap: ang Singles for Christ. Tatlong buwan ang aking ginugol sa pakikinig, pamamahagi at pakikisalamuha sa mga bago kong kapatid. Napuno muli ng musika ang buhay ko. At simula ng makasali ako dito, pawang magagandang pangyayari na ang sumunod. Patuloy akong pinagpapala sa trabaho; muling tumitibay ang samahan ng pamilya ko; mas napalapit ako sa ilang kaibigan at mga katrabaho; malugod akong tinanggap ng community na makakasama ko pa sa mga susunod na buwan at taon; madami akong nakilalang handang maglingkod sa Kanya. Natagpuan ko ang aking bagong tahanan at kapayapaan. Lahat ng ito, dahil sa pagmamahal ng Panginoon.

Magwawakas man, nagpapasalamat ako sa isang taon na puno ng aral. Madami akong mga bagong karanasan na maibabahagi. May mga nakilala at namaalam; nagalak, lumuha, lumungkot, ngumiti, sumigaw, naguluhan, napayapa, nagmahal at minahal. Babaunin ko ang mga aral at alaala na humubog sakin sa susunod na taon.

Salamat. Paalam, Dos Mil Dose.

For all these, May God be Praised.