It never crossed my mind that a "little sister" would turn out to be more of a "special someone". I can't believe until I saw it happen. I must say, that love, indeed, is a mystery.
It all started here.
The name of the theme park must have made this magic work. I was totally Enchanted by this young girl's charm. I felt like I'm a ruler of my own Kingdom, with her as my queen.
It's just an ordinary Sunday, the third week of February. I invited my "little sister" to a trip in EK. Back then, for me, it's just to spend time with someone so I can be relieved of stress from my work. She responded in excitement, considering that "we've just met" a few days ago. It was my second trip to that place, and I'm glad enough that I'll have someone accompany me as I try to refresh myself. What I never expected was to for this someone to show me what real magic means. We entered the gates of EK as friends, and we left as something better.
We travelled early so we can use up as much time as we have to enjoy all the rides and offerings the theme park has. Compared to our first meeting, she's much sweeeter, lovelier that time. I took a glance at her while enjoying the carousel ride, and asked myself, why am I so delighted? Why does that smile make my heart leap out of joy as well? Could this be the happiness I'm waiting for? I already gave up seeking it, thinking that it will come at the right time. But now, here it is, shining in front of me. Inviting me to experience that wonderful feeling. So I took the next step, and I found heaven.
It was a day full of fun, surprises, and of course, love. That tiny feeling grew more and more, until it consumed everything of me.
Months passed, and we travelled this roller coaster ride. We started going out more often, learning more about each other, arguing for senseless reasons, and making up at the end of the day. She's still a child. I also act as a child most of the time. Perhaps this is what a relationship is all about. I haven't experienced this before, but I'm willing to stay in this ride notwithstanding all the ups and downs we might go through. I love her, despite our differences. I will do anything to reconcile those and transform them into a positive energy that will make us better. She mean everything to me right now, and I intend to keep it this way for as long as I breathe.
So, we're back to where it all started. EK the second time around. This time, we're entering that magical place with holding hands; in the same place where I had the courage to hold them freely for the first time. We enjoyed the day like there's not tomorrow. How I wish everyday will be just like this: a day with no worries, all fun, alone with the person who holds your heart.
Let's keep the magic alive. I Love You and I'm here to stay.
BABALA: Ang mga susunod ninyong matatanaw ay hindi angkop sa mga matitinong mambabasa. Patnubay ng Baliw ay Kailangan. -- Mula Sa Hindi Matinong May-akda
Thursday, June 30, 2011
Saturday, June 18, 2011
The Best Weekend
I have always waited to see myself smiling like there's no tomorrow. I never thought it would come this early. And so it happens.
Laughing to my heart's content like never before.
Last Saturday, the 11th of May. This is just going to be an ordinary (rather, a special one)day with my happiness. That's what I thought it will be. The great thing, it never was.
I came earlier than our call time. I bet she's still asleep. Have to wait for a couple of minutes, and then head to some nice place. Here she comes, in her favorite red spongebob shirt. The first sight of her gave me chills (as always, there's no other person who can make me smile by just seeing her). Went on to buy food and immediately proceeded to that nice place somewhere overseeing the Taal Lake. I promised her that we'll go places together: that way we'll have fun while having the usual bonding time. Nothing feels better that seeing the smile in her face as we take a first look at that place. Any little thing that makes her happy would mean double the joy in my heart. At long last, we're going to have extraordinary fun together once more.
The place took our breaths away. Such a sight! Seeing it with the one you love the most makes it a lot better than the best. Had fun swimming, eating (of course, her favorite :D), taking a tour and pictures of the place. Not to miss the zipline experience which literally made us fly. Words can't describe how I feel that time. This surely is one, if not, the best day we spent together.
And so, the day ends. We'll have to part, but we'll stay together.
I forgot all the exhaustion that time. My spirit is so overflowing, it took over the rest of my senses.
A great weekend with my love has yet to end.
The next day, we have our own chores to do. I wasn't expecting anything that afternoon, until she walked in front of me while I was busy buying accessories for my phone. I thought I might be seeing an illusion. Could this only be a dream? I pinched myself, took another look at her, and there she was. It's real. I have never been surprised like that before. And she took the initiative to give me some sort of "drug" that I felt so high. I wanted to shout, cry, and give her a tight hug for doing "those little things" for me. I never thought that someone could care for me like this that she even took that extra step to draw a smile in my face.
I must be blessed by the heavens for sharing Her to me.

Wednesday, February 2, 2011
Revise and Resubmit
Reading my previous blog entries makes me realize how poor my writing have been lately. There's just too many errors - grammar, syntax, punctuation, "proper tone". This places my writing from mediocre (have I been there?) to dreadful. I guess it is acceptable for some of my entries posted in multi-language or in my native language . But for my somehow "freestyle pure English" posts, I definitely should be graded a D-.
This might reflect the state of mind I am in right now. Not to say I'm insane (in a sense, yes) but it's just too erroneous, loose and no direction. Am I missing my goal here? Have I just gone from bad to worse? What happened to the only thing I consider as skill? I badly need an eraser. If not available, a correcting fluid/tape should do, right?
It really is good to take a look back on my previous work. Provide constructive and negative criticisms, and re-work for a better result. But perhaps, there are some things, though flawed, that should be kept as it is. Mistakes in the past are good teachers after all. So I'll keep them here as a record of my "weak" writing, will try to create new ones, and see for myself if I was able to move a step ahead.

Thursday, January 20, 2011
Kalikasan, Kaibigan???
Simula pa lang ng taon ay magkakasunod na masasamang balita agad ang sumalubong sa ating mga kababayan sa iba't-ibang panig ng bansa. Dumaranas raw sila ng malalakas na pag-ulan dulot ng pagsanib ng hanging amihan sa tail end ng cold front. Nakalulungkot isipin na madaming buhay agad ang binawi ng mga kalamidad na ito. Bagaman walang bagyo, nagdulot ng malawakang pagbaha sa madaming lalawigan ang malalakas na pag-ulan. Higit kumulang 50 katao na ang nasawi. Posibleng tumaas pa ang bilang na ito kung magtuloy-tuloy pa ang masamang panahon. Napakasaklap.
Napakahalagang bigyang-pansin ang isyu sa Climate Change (Global Warming). Napapanahon lang. Dapat nga matagal na itong inaksyunan sapagkat maaaring kasingtanda ng problemang ito ang mundo; nagkataon lang na ngayon lang natin nararanasan ang malakas na hagupit nito.
Ano nga ba ang Climate Change?
Isang teknikal na depinisyon ang ibinigay sa atin ng UN: "A change of climate which is attributed directly or indirectly to human activity that alters the composition of the global atmosphere and which is in addition to natural climate variability observed over comparable time periods (The United Nations Framework Convention on Climate Change". 21 March 1994.) Bagaman gawa ng kalikasan, hindi maitatangging TAO din ang isa sa mga nagpalala nito. May ibang kadahilanang bunga ng mga natural na pagbabago ng mundo : pagputok/aktibidad ng mga bulkan, epekto ng araw at buwan at paggalaw ng tectonic plates. At syempre, napakalaking TULONG din ng mga tao para maranasan ito. Kahit ang simpleng (hindi tamang) paggamit ng ilang piling appliances sa bahay at di tamang pagtatapon/pagsusunog ng basura ay nakakapagpalala sa kalagayan ng mundo. Maliit mang ituring, subalit kung susumahin mula sa kabuuang populasyon ng daigdig, malaking bagay na din ang nagagawa ng "simpleng" maling gawi.
Patuloy ang pag-unlad ng tao dahil sa teknolohiya. Sa kasamaang palad, kaalinsabay nito ang unti-unting pagkasira ng kalikasan, ng mga natural na bigay sa atin. Makakapal na usok, mga toxic/chemical waste sa mga bahaging-tubig, pagkakalbo ng mga kagubatan, pagguho ng mga bundok : ilan lang ang mga ito sa pinakamasakit sa matang epekto ng mga maling gawi ng tao. Walang silbi ang pag-unlad kung darating ang araw na wala na tayong matitirhan pa. TAO din ang maghuhukay ng sarili niyang libingan.
Ngayon, nagbibilang na lang ba tayo ng oras para muling matikman ang ikalawang paghuhukom?
Nakasaad sa Bibliya na hindi na muling "lilinisin" ng Diyos ang sangkalupaan sa pamamagitan ng malaking baha. Pero sa nangyayari ngayon, hindi maiaalis sa isipan ng ilan na maaaring isang "baha" din ang magwawakas sa lupa. Nakakatakot isipin kung totoong mangyayari ang naganap sa pelikulang 2012 . May mga pag-aaral na dahil sa patuloy na (abnormal na)pag-init ng mundo, unti-unting natutunaw ang yelo sa hilaga at timog na mga kontinente. Dahil dito tumataas ang sea-level, at unti-unting muling nilalamon ng tubig ang lupa. Kung magpapatuloy ito, malamang na tuluyan ngang maubusan ng matatapakan ang sangkatauhan.
**Nawa'y di na muling lipulin ang mundo sa pamamagitan ng baha.
Nakakapangamba talaga ang panahon ngayon. Ang mainit, nagiging sobrang init: ang malamig, sobrang lamig. Sa katunayan, naitala ang nakalipas na taong 2010 na ikalawa sa pinakamainit na panahon sa kasaysayan. Isa sa mga lubhang naapektuhan ay ang Russia matapos itong dumanas ng heatwave na nagdulot ng mga forest fires at pagkasira ng mga pananim. Sa Baguio, nagbunga ng sakit ang biglang pagbaba ng temperatura mula sa normal na antas nito. Nababago na talaga ang weather pattern. Kung kailan inaasahang tag-araw ay siya namang tag-ulan. Mas mahahaba na din ang itinatagal ng ganitong mga kapanahunan kumpara sa mga nakalipas na taon. Napipinto ang pagkukulang sa pagkain kung magpapatuloy ang matagalang tagtuyot sa mga lugar-pang agrikultura. At sa tuwing may darating naman na bagyo, mas nakakakaba sapagkat higit na malalakas ang mga dumadating na unos ngayon. Sino bang makakalimot kay Ondoy? Lumubog ang malaking bahagi ng Kamaynilaan ng dahil dito. Kay Pepeng, na matapos pumasyal sa Hilagang Luzon ay nawili pa yata at binalikan ang kawawang bansa? At muli, sa mga lumalagunos na ulan (ni hindi pa nga bagyo) na kasalukuyang pumipinsala sa maraming lugar sa Visayas at Mindanao? Ang malalakas na ulan na kalaunan lamang ay gumimbal at nagdulot ng malawakang pagbaha sa Australia? Biktima din nito ang Pakistan at Tsina sa nagdaang taon. Kahit ang malalaki at mauunlad na bansa ay walang lusot sa "ganti" ng kalikasan. Ramdam na talaga sa buong mundo ang mga epekto ng Climate Change.
Ngayon, mag-aabang na lang ba tayo? Hindi lamang paghahanda ang kailangan natin. Kailangang solusyonan ang problema sa Climate Change. Kung makakaiwas o malimitahan man lang natin ang mga masasama nating gawi na nakakapagpalala sa kasalukuyang sitwasyon, mas mabuti. Nagkakaisa ang buong mundo sa pagsugpo dito (kung hindi man tuluyang masugpo, kahit mabawasan man lang ang matinding dagok). Responsibilidad ng bawat isa, bilang mamamayan ng planeta, ang pangalagaan ang kanyang tirahan. Hindi maaaring aasa na lang tayo sa mga "eksperto" na kayang magpaliwanag at magbigay ng mga solusyon sa tinatawag na climate change. Hindi lamang ang gobyerno, o mga environmentalists o kung sino sino pang may "kapangyarihan" kuno ang kailangan natin. Sa mga mumunting paraan, maaari tayong tumulong sa pagwawakas nito . Palagay ko, hindi naman talaga "mga pwersa ng kalikasan" ang matindi nating kalaban dito - mga sarili natin. Kaibigan ang kalikasan. Ano bang dapat na ginagawa sa kaibigan?
Buksan ang mata. Mag-isip. Makiisa. Hindi pa huli ang lahat.

Wednesday, January 12, 2011
Sugar (-less) Free
I was one of those who were surprised by the news that Ebe (Vocalist) is leaving Sugarfree to pursue his own career. Though they are not disbanding yet, it's still sad to hear, as the band is one of my favorites.
I love how they mixed the traditional Kundiman and Alternative music to create a new sound. That's their trademark after all. Now, it's time to pay tribute to their music.
Just to share a couple of lines from their songs. I initially thought of making a story out of these lines (fictional, with a punch of a few real-life situations), unfortunately, I'm just too lazy to think. Well, let's try anyway.
Insanity starts here...
Para sa mga naghahanap at umaasa sa simula...
Sino, nasan, kailan ka ba darating at ako ay sagipin
Sa mundong malupit at naiinip
Sino, nasan, kailan ka ba?
(Kailan Ka Ba, Talaarawan, 2006)
Nanginginig na mga kamay
Puso kong hindi mapalagay
Pwede ba kitang tabihan
Kahit na may iba ka nang kasama
(Prom, Dramachine, 2004)
Ako'y isang malungkot na bata
Palakad-lakad lang
Wala rin namang mapupuntahan
Madalas, madulas at parang ayaw ko na
Buti na lang nandyan ka, Sinta
Pano na lang ako kung wala ka
(Sinta, Dramachine, 2004)
Saan saan nadadapa saan saan bumabangga
Ang puso kong kawawa may pag-asa pa ba?
(Hari ng Sablay, Dramachine, 2004)
Sa mga naghihintay...
Ano pang di ko kailangan gawin
Upang iyong mapansin?
Kelan ba matatapos ang awit
Ng pusong nangangawit?
Patawarin mo ako kung ang kinikilos ko
Ay kabaliktaran ng tunay na nadarama ko
(Nangangawit, Talaarawan, 2006)
Sa nagsisimulang kwento...
Kanina pa tayo magkasama umaga na pala
Maya-maya lang ay may araw na
Kahit tayo'y pagod buong mundo ay tulog
Ikaw at ako dere-deretso lang na walang pakialam
Kwentuhan lang wala namang masama
Puro usap lang ibaon mo na sa limot ang lungkot
(Kwentuhan, Dramachine, 2004)
Sa mga bihag at nangangako...
Nung hindi na nakatingin at saka ka dumating
Nandyan ka lamang pala Di ka lang nagsasalita
Ikaw pala aking hinahanap
Ang bahaghari ko likod ng ulap
Ikaw ang hulog ng langit sa puso kong napunit
Dahil sa dramang paulit-ulit
Kanina ka pa pala riyan
(Ikaw Pala, Mornings and Airports, 2009)
Kung hawak ko lang ang panahon
Wala nang kahapon at bukas, meron lang ngayon
Nais kong maging saysay ng aking buhay
Ay bigyan ang iyo ng kulay
Kung akin lang ang mundo
Ibibigay ko siya sa iyo
(Cuida, Dramachine, 2004)
Kung wala ka ng maintindihan
Kung wala ka ng makapitan
Kapit ka sa akin (kapit ka sa akin)
Hindi kita bibitawan
(Wag Ka Nang Umiyak, Talaarawan, 2006)
Kung marinig ang tibok ng aking puso
Sinasabing habang ikaw ay kapiling
Wala na akong hihilingin
(Wala nang Hihilingin, Mornings and Airports, 2009)
Tulog na mahal ko at bukas ngingiti ka sa wakas at sabay harapin ang mundo
(Tulog na, Dramachine, 2004)
Kahit sa unti-unting paglabo...
Hello, hello, hello
Naririnig mo pa ba ako?
Kung wala na tayo sa telepono
'Pag nandito na tayo sa tunay na mundo
Hello, 'di na kita naiintindihan
Malabo na ba ang linya sa ating dalawa
Hello, gising ka pa kaya?
Hello, nahihilo na ako sa 'yo
(Telepono, Sa Wakas, 2003)
Dinggin ang di kayang sabihin
Ng puso kong malapit nang mangawit
(Nangangawit, Talaarawan, 2006)
Sa mga kwentong nagwakas...
Pagkatapos ng lahat Tayo ay nagkasundo
Na di na muling magkakasundo
Sunugan na ng mga sulat Saraduhan na ng mga aklat
Magkalimutan na, magkalimutan na.
(Pagkatapos ng Lahat, Mornings and Airports, 2009)
Sa mga nasaktan, lumilimot, umaasang muli...
Nawawala kapag di hinawakan
Dudulas kapag di iningatan,
(Hintay, Sa Wakas, 2003)
Dahil katulad mo, ako rin ay nagbago
'Di na tayo tulad ng dati, kay bilis ng sandali
O, kay tagal din kitang minahal
O, kay tagal din kitang mamahalin
Tinatawag kita sinusuyo kita
'Di mo man marinig, 'di mo man madama
(Burnout, Sa Wakas, 2003)
Lumangoy sa alaala mo Lumangoy hanggang malunod sa iyo
Kung ang gamot sa aking sakit ay pag-ibig
Ako ay nauuhaw at ikaw ang aking tubig
Sa dinami-dami ba naman ng gustong malimutan
Bakit ikaw pa ang naiwan sa puso't isipan
(Hangover, Mornings and Airports, 2009)
Kung hindi ka na babalik
Araw-araw na akong gigimik
Kung malayo ka na
Ay malaya na ako
Ngunit ang kahapon ko
Ay bihag pa rin ng alaala mo
(Kung Ayaw Mo Na Sa Akin, Talaarawan, 2006)
At sa mga Naiwan...
Litrato mo sa isip ko
Tinig mo sa aking puso
Iisipin ko na lang
Walang paalam natutulog ka lang
Bukas paggising ko nandyan ka na muli sa aking tabi
Ikekwento mong mga nakita mo habang tayo'y magkalayo
Hanggang sa muli Ingat ka
(Walang Paalam, Mornings and Airports, 2009)
That's it. So long... Sugarfree!

Thursday, December 30, 2010
Year-ender.. Once Again
Lilipas na naman ang isang taon. Ayos. Magsasawa tayo sa uno (1) ngayon. Unang araw pa lang ng taon 1-1-11 na. Kung pumapasok pa pala ako sa eskwela magandang bagay sana ang uno. Buti na lang hindi na.
Paalam Dos Mil Diyes.
Welcome 2011.
Palagi na lang nakakabit sa pagsapit ng Bagong Taon ang ideyang panahon na ito ng bagong simula. Nakakatawa. Hindi ba't palagi naman tayong pwedeng magsimula kahit hindi Bagong Taon? Sabagay, tradisyon na din siguro nga. Panahon daw para sa mga New Year's resolution at kung anu-ano pang pangako sa sarili. Mga pangakong mga 80% eh hindi matutupad. (Teka ma-check nga yung mga pinangako ko last year...)
Quoting myself a year agO :
=====
"Siguro kung paano ko sinalubong ang bagong taon eh parang foreshadowing ng mangyayari the whole year."
That's about starting things right. Start the year right and end it right.
This year I had resolved to change things. A new year means a new self. Time to move forward. Time to keep walking. Here I go. Almost there. Taking a higher leap, I'm going to reach you.
=====
Ayun. Kinontra ko na sarili ko. Isa lang ako sa mga nag-iisip na ang bagong taon ay bagong sarili. Nangakong magpapatuloy ng hakbang pasuloooong, kad! Kaliwa, kaliwa. Kaliwa kanan Kaliwa. Lipaw, da! (One, Two!). Adik ako. Ahaha. Cough Cough Cough!!!
(Pambihirang ubo 'to oh, kanina ka pa nang-aano eh. Wag ka nang makisabay sa putukan bukas, ayoko nang salubungin ang bagong taon na masama na naman ang pakiramdam. Tuseran! Solmux! Magtrabaho na kayo!!!)
Me nagbago ba ngayong 2010? Sa'ken? Sa iba? sa Bansa?
Sa wakas, salamat sa Konstitusyon at tuluyan nang bumaba sa pwesto ang mababa este maliit na pinuno. Nag-kulay bahaghari ang mga lansangan, panay ang batuhan ng kung anu-anong propaganda. Maraming na LSS sa "Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura. Nagpasko ka na ba sa gitna ng Kalsada". Marami ang nagsabit ng mga dilaw, dalandan (dalandan nga tagalog sa orange no?), berde at kung ano ano pang laso sa kanilang mga sasakyan. Nagkaroon ng bagong pinuno. Ang dating pinuno, UBOD talaga ng husay at bait sapagkat patuloy na naglilingkod sa bayan ??!
Naging bida ang Pilipinas sa international community dahil sa kapalpakan. Nanalo na naman si PacMan. Natalo ang San Miguel sa Finals ng PBA.
Ano pa nga ba?
Siguro nga me nagbago. Ang tanong, makabuluhan ba ang mga naganap? Para sa karamihan, malamang. Sa'ken, ewan. [Tama na nga ang pagiging kritiko sa mga suliranin ng bayan, wala din naman akong ginagawa kundi ngumawa kaya walang karapatang manisi pa].
::back to being a self-centered post::
Nakagraduate na din yung isa sa mga malalapit kong kaibigan after 48 years.=) Nagsimula nang mag-aral yung pinakamatanda kong pamangkin. Nakalipat na naman ako ng nirerentahang kwarto. Pero nandito pa din sa parehong trabaho. At speaking of trabaho, nagkapapatong-patong ang kapalpakan ko. Buti na lang nakabawi bago matapos ang taon. Tawanan lang daw ang mga pagkakamali. Eh di tawanan. Ayun, naging okei na ulet, siguro.
Masyado akong nahype sa pagbabalik eskwela ko. Matagal ko din pinagplanuhan. Nagpost pa ng kung ano-anong related sa pag-aaral. Bumili ng memo plus para marefresh ang kinakalawang ng memorya. Nagpractice magsulat na parang Grade 1 sa pang Grade 1 na papel. Nagloan ng reading glasses para sa mga tambak na babasahin. Nanghiram ng memory aids, notes and books sa mga kaklaseng nagpatuloy sa abogasya. Nakatuntong muli sa loob ng classroom. Nakinig, nagmemorize, nagrecite, nag-exam, nasindak, natuwa, inantok, natulog ng 2 oras sa isang araw, natambakan ng hand-outs, nagdigest ng cases sa harap ng monitor habang nasa trabaho, nagresearch, at syempre, nagbasa ng nagbasa...
para lamang sumuko sa huli.
Isa siguro sa mga pinagpapasalamat at pinanghihinayangan ko ngayong taon ay ang pagiging estudyante na muli. Nagpapasalamat, sapagkat kahit papaano, nakondisyong muli ang utak ko. Napatunayan na kaya ko pa palang makipagsabayan sa pag-aaral kahit nabakante ako ng mahigit 2 taon. Nanghihinayang, sapagkat nagpadala sa pressure, pinili ang hanapbuhay kesa sa pag-aaral, at inisip na mas mahalaga ang pera ngayon kesa makatapos sa pag-aaral. Magkaganunpaman, pinapangako kong babalikan ko ang buhay estudyante para tuparin ang matagal ko nang pangarap. Marahil, hindi ngayong taon, o sa mga susunod pa. Palaging nakatingin ang isa kong mata dito, mahirap na, baka makalimot.
Anything else?
Sumubok, tinumbasan, maayos sa simula, ilang buwan lang ang lumipas, natapos din. Natuto. Nagpakatanga.
Sa kabuuan, madaming maganda, madaming di magandang nangyari sa'ken ngayong 2010. Fair share, ika nga. I'd take it anyway.
Ngayon, parang ayoko na mangako ng pagbabago. Di naman kelangan, kasi mangyayari at mangyayari din yun. Pwedeng limitahan, pero di pwedeng pigilan. Kung pwede din lang, ayoko ng mangako. Mahirap na, sawa na akong batukan ang sarili dahil sa sandamakmak na planong nauwi lang sa pagiging drawing.
Aasa na lang ako sa kung anumang ibibigay sa'kin ngayong darating na taon. Accept what the times has to offer me, and somehow work on it.
Magpapatuloy sa kabaliwan sa kabila ng lahat ng kabalintunaan...
Manigong Bagong Taon!!!

Saturday, September 18, 2010
Activate Author Mode
Matagal tagal na din palang di ko nagagalaw 'tong blog ah. Kelangan na mag-ipon ulit ng bagong ideas para sa bagong ewan na post.
As promised, I will keep myself sharp so there'll be no need to do much maintenance when I return to the "right track". Mahirap na, pumupurol na ulit ang utak. Di pwedeng nakatambak na lang ang libro, handouts, notes, full text cases, salamin, memo plus, papel at ballpen. Parang McArthur lang, I shall return. At parang Big Brother lang. Sa takdang panahon.
I will never just give up on my dream that easily. But if I need to take a different road before heading back to it, I will gladly accept that.
Ang pangarap, makapaghihintay. Pero hindi naman pwedeng palagi na lang itong paghihintayin. Baka mamaya, mawala na lamang ito sa paningin. Mabuti na din na palaging nakatanaw ang isang mata sa pupuntahan. Kahit magpabago-bago ako ng daan, alam ko pa rin kung saan ang huling destinasyon.
At sa ngayon, magtyatyaga na lang ako sa paggawa ng mga bagay na alam kong ikabubuhay ko bagaman hindi ko gaanong gusto. Kunsabagay, karamihan naman ganito ang pinagdadaanan. Ang maging masaya at makuntento sa anong inihahain sa'yo, sapagkat sa ngayon ito lamang ang mabibigay sa'yo, bagaman madami ka pang ibang bagay na hinahangad.
Ganda ng palusot!

Subscribe to:
Posts (Atom)