Tuesday, September 1, 2009

A thought on Writing... ( Posted November 3 '08)

Pwede naman siguro akong magtagalog dito no? na-inspire lang ako dun sa sinulat ni Bob Ong, ýung “Stainless longganisa”. Ngayon ko lang nabasa yun. More on his experiences on writing ang laman nung book. Nakilala man si Bob Ong sa mga kwela nyang ginawa, ibang klase pa din ang kalibre ng mamang ito pagdating sa pagsusulat. Medyo napangiti nga ako dun sa ginamit na overview ng book, yun daw ang ikalimang pagkakamali ng author, at ginawa daw ni Bob Ong ang di ginagawa ng normal na author, ang magkwento tungkol sa kanyang pagsusulat.

Sa totoo lang, palagay ko di naman iba ýung ganun. Kahit ako, naisip ko din magkwento ng mga karanasan ko at paniniwala sa pagsusulat.

(trivia lang po, pag me nakita kayong typo error dito, specifically sa letter “l”, pagbigyan nyo na po. sira kasi ang computer ko, ayaw gumana ng letter l at up arrow. Wala pa po akong pampagawa, kaya nagtitiis na lang ako. Ung mga nakikita nyong etter l dito ay bunga po ng ctrl + v na function. Hay, ang hirap…)

Hindi ko rin po alam kung pwede ba akong maging writer. Gusto ko din naming magsulat. Nitong nakaraang mga buwan nga eh medyo napractice ko yung pagsusulat ko. Salamat na din sa training para sa trabahong kahit kelan ay hindi ko ginusto at hinding-hindi ko gugustuhin.

“Mahirap ipilit ang isang bagay na kahit kailan ay hindi mo ginusto.”
Wala dito ang puso at isip ko.”

Hindi ko din talaga alam kung anong pinakamagandang pwede kong gawin. Oo, kelangan ko ng trabaho para makapagbigay ako sa pamilya. Eh paano naman kung di ko na namamalayan nawawala na pala ako sa sarili ko? Sabihin ng makasarili ako, pero talagang hindi ko nararamdaman na para sa akin ito. Matagal ko nang inihanda ang sarili ko na umalis dito, pero nandito pa din ako. Kelan pa ba ako makakawala dito? Ayaw kong maging hindi patas sa kanila kase hindi ko naibibigay ang 100% ko. Puro kapalpakan nga ginagawa ko dito. Ayaw ko silang hilahin pababa ng dahil lang sa pagkamakasarili ko.

Ang pinakamaganda na sigurong magagawa ko ngayon ay hintayin ang pagkakataong makasilip ng kahit kaunting butas na pwede kong daanan para makatakas.

Pwede pa din naman akong magsulat, di ba?
=======================================
Side comments as usual:

Inspired by Bob Ong's Stainless Longganisa.

Akalain mo yun, a month after kong pinost 'to sa fs nakahanap na ako ng butas;P

Bye bye Col Cener!

No comments:

Post a Comment