Thursday, October 17, 2013

Random Retreat Notes

"Because there are journeys I must travel alone." 

Here are some of the things I have written/read on my second solitude retreat. Let me place it hear, for me to be reminded every once in a while. 

===

Seek the good of others. 1 Cr 10:23
All are essential. 1 Cr 12:22-25
Love. 1 Cr 13:4-13

===

Be clean inside. Let God be the ultimate desire. Disregard the superficial desires, things of the outside. God will bring peace. 

(Homily)

===

Faith, if it does not have works, is dead. Jm 3:17
For one who knows the right thing to do and does not do it, it is a sin. Jm 4:17
No longer I, but Christ in me. Gal 2:20
If we hope for what we do not see, we wait with endurance. Rm 8:25    

===

Even though I am not what I want to be, I am not what I used to be. 

"Help me run the race that is before me with patience, not to run too fast and not to make things happen in my future, but to let Your will be worked out in my life."

===

The creaking of the swings still gives the same sound. The landscape still has its familiar color and shape. The room still has the same peace and warmth inside. 

Far away from the noisy city, I'm reliving the same experience I had the first time I was here. 

I came here before to mend a broken heart. 
I came here again to rekindle the fire burning within me. 

The heart has been completely healed : filled with joy and peace. 
The fire keeps on burning and found itself a new reason to keep on being ablaze. 

Setting aside matters of the world, putting my priorities in place.
The first and the last. The beginning and the end. 

Discernment. 
Peace. 
Courage. 

Dreams.
Desires. 
Destination. 

Let me make the right decisions this time. 

To go after my dreams, or to look for something new. 

To accept another opportunity to serve.

Let me hear Your voice. 

===

Encourage one another and build one another up. 1 Thes 5:11
Name above all names. Ph 2:9

"Let us ask for grace not to tire of asking forgiveness, because He never tires forgiving."

The light shines in the darkness, and the darkness has not overcome it. Jn 1:5
While you have the light, believe in the light, so that you may become children of the light. Jn 12:3-6

If you ask for anything of me in my name, I will do it. Jn 12:14
Peace I leave with you, My peace I give to you. Jn 15:27

Everyone who calls on the name of the Lord will be saved. Rm 10:13

None of us lives for oneself, and no one dies for oneself. Rm 14:7

===

"Help me to keep a good attitude and a cheerful heart no matter what I am facing."

===
We walk by faith, not by sight. 2 Cr 5:7
==

A time for everything. Ec 3:1-15
==

For when I am weak, then I am strong. 2 Cor 2:10

The Lord is faithful; He will strengthen you and guard you from the evil one.

#

Macoy. October 14-16, 2013. 

Friday, October 11, 2013

Euneirophrenia

Morning dew on the greenfields
Golden rays over the windowsill
Shadows in dim light
Earnest wind blowing
Face buried in the pillow
Images flashing through
Floating in space
A gentle smile
Eyes wide open

Monday, September 30, 2013

Wake me up when September ends. Not the song.

Huling araw na pala ng September. Sa mga nakisabay sa awitin sa taas, pwede na kayo magsigising. 


Ako naman, magrerequest pa ng extension ng pagtulog. Isang magandang panaginip ang buwan na ito para sa akin. Kung pwede lang, wala ng gisingan 'to. Kaso, hindi. Buti na lang, para pa din akong nananaginip kahit na bukas ang aking mga mata. Maganda ang track record ko ngayong buwan. At dahil magtatapos ka na, hayaan mong alayan kita ng isang engrandeng pamamaalam. 

===

Salamat sa lingguhang tawag ng isang mabuting kaibigan, patuloy ko pa ding pinag-iisipan ang isang pangmatagalang pangarap: ang maging abogado. Pangmatagalan talaga, napag-iwanan na ako ng panahon. Dalawa sa aking pinakamalapit na kaibigan noong kolehiyo magpahanggang ngayon ang nakatakdang kumuha ng Bar Exam sa darating na Oktubre. Ang isa pa sa aming mga kabarkada, ganap nang may Atty. sa pangalan. Ang ilan, patuloy pa din sa pag-aaral. Ako, eto. Nagpapakabusy daw sa trabaho. Paulit-ulit kong pinaaalalahanan ang sarili ko sa pangarap ko, kahit pa sa kasalukuyan, hindi iyon ang daang tinatahak ko. Magulo pa ang isip ko ngayon, hindi pa ako sigurado sa gusto kong gawin. Ipagpapatuloy ko ba, or hahanap na lang ako ng bagong pangarap? Malinaw sakin ang mga interes ko, subalit hindi ko pa din maharap sapagkat kailangan kong maghanapbuhay. Mga praktikal na konsiderasyon muna dapat ang unahin. 

Ang pangarap, makapaghihintay yan. 
  
Meron pa akong siyam na buwan upang magpasya. Maaring maextend ng isang taon at siyam na buwan, dalawa, lima, sampu, o dalawampu. Ayos lang, masaya naman maghintay :)

Okay, sige. Balang araw, haharapin muli kita. Pero sa ngayon, kailangan ko munang ibuhos ang oras sa ibang layuning maaaring maging pangunahing ambisyon. 

At nais ko na din iparating ang buong pusong suporta ko sa mga kaibigang haharap sa pinakamadugong pagsubok. Apat na linggo na lang ng pagtitiis. Isang malaking hakbang tungo sa ating mga hangarin. Naiintindihan ko pa din ang hirap ng pagsubok na ito. Sabi nga ng idolo nating propesor noong kolehiyo, ito ang exam na kahit bigyan sya ng isang milyon eh hindi na nya ulit kukunin pa. Nasa inyo ang aming mga panalangin, sana'y maipasa ninyo ang Bar Exam. Para sa Bayan!


===


Fully-booked ang mga nagdaang Sabado ng Setyembre dahil sa CLP. Sa ngayon, ito ang isa sa mga pangunahing pinaghuhugutan ko ng inspirasyon at lakas, hindi lang sa trabaho, kundi pati na din sa araw-araw na ibinibigay Niya satin upang mabuhay. Napakasaya maglingkod, napakasarap sa pakiramdam na may nailalapit kami sa Kanya. Dahil sa mga activities sa SFC, mas madalas pa din ang pagiging positive-thinker ko. May mangyari mang hindi kanais-nais, partikular sa trabaho (medyo dumadami, pero nevermind, I have a reason to stay positive, accept my mistakes, and take full responsibility) iisipin ko na lang muli ang mga aral, panunumpa at mga susunod pa naming gagawin dito, at hindi ko na iindahin ang mga pasakit, konti na lang pala. Nakakahawa ang gaan sa pakiramdam dito. Nagiging mas maayos na din ang pakikitungo ko sa pamilya, mga kaibigan, at sa iba pa dahil dito. 


Thank you Lord for this unlimited source of happiness, inspiration and strength :)

==


Yaman din lamang na nabanggit na naman ang inspiration, kakanta na lang ako. 


You're the light that shines on me
Take away my sadness
You're the reason why I still believe in loving and
When you hold meI know that deep within
Now I'm not scared to love again


Masaya pa din naman pala kumanta at magsulat. Magtanong at maghintay. Manahimik subalit nakangiti, sapagkat nakakagaan sa loob. 


Oh boy, my favorite! :) 


===


Muli, maraming salamat, Setyembre. 


Gising na ako. Gising na gising. Subalit nanaginip pa din. Isang magandang panaginip. Panaginip sa totoong mundo.


Because right now, reality is definitely better than dreams. 

Friday, September 20, 2013

Recycled Post. Di makamove-on eh :D

Dahil wala akong maisip na bagong ideya para gawan ng post, nagbalik ako sa mga naisulat ko na dati. Nakakita ako ng linya na nagustuhan kong gawan ng panibagong pagsasalaysay.

Quoting myself from last year, iPlant CLP Talk 1 :

"I admit that at a certain point in my life, I have experienced both love and loneliness. But after I have seen that light once more, I will no longer doubt the absence of love. I may be alone sometimes, I may lost another love one, I may be rejected and be hurt once again, but this time, I won't question the existence of God and the love He has given us. His Love gives me the will to accept anything. I'm holding on to this Love, and make this my guiding light."

Sa ngayon, napatunayan kong nanatili pa din ang sinabi ko noong nagsisimula pa lang ako sa CLP. Natagpuan ko na ang liwanag. Nakabalik na ako dito. Maaaring magdilim muli, masasaktan, mawawalan, at maging malungkot sa ilang pangyayari. Natural lang naman na bahagi 'to ng mga dinaranas ng tao. Cycle nga daw, hindi palaging nasa taas, minsan nasa baba. Ibuhos man lahat ng ito, naniniwala akong hindi na ako matitinag, sapagkat may nagmamahal sakin.

Sa nakalipas na isang taon, makailang-ulit din akong nakaranas ng sakit. Makailang ulit din ako sinubok. May mga pagkakataong natalo ako, pero hindi ko na masyado ininda ang pagkagapi. Ipinagpapasalamat ko na lang ang mga iyon. Nakakatuwa at kakaiba, pero totoong hindi na nga ganun kabigat ang epekto sakin ng mga iyon simula ng maging active ako sa SFC. Mas naging magaan ang lahat, mas madaling tumanggap ng mga ganoong pangyayari at damdamin. Matibay na ata ang aking kinakapitan, at hindi Sya bumibitiw. Uulitin ko ang pinanghawakan ko, I'm holding on to this love, and will make this my guiding light.

Patuloy pa din akong ginagabayan ng liwanag.

Thank you, Lord.

---

Liwanag

Nakatagpo muli ako ng isang bagong liwanag sa paglalakbay. The Lord is so generous for sharing this light to us. Maayos na ang daloy, hindi ko naisip na may mas magbibigay-kulay pa pala. Salamat sa liwanag na nagdudulot ng saya sa lahat; sa liwanag na gumuguhit ng ngiti sa mga labi ng makakasilay dito; sa liwanag na nagdadala ng bahaghari sa kalangitan. You don't know how much difference you have made to someone else's life for simply being yourself and just being there. Just let your light shine on and continue to be a blessing and inspiration to others.

Thank you, dear light.

#

Monday, September 16, 2013

Rebirth

Jet black surroundings
Nothingness through the horizon
A deafening silence
Tiny shreds of imagination
A sudden flash of light
Everything came back to life
Rainbows filled a blank canvas 
Totally overwhelming the darkness
Living in the resurrecting brightness

Sunday, September 1, 2013

September 1

Isa sa mga paborito kong petsa sa buong taon, at andito na sya. Hello September 1!

Ber months na naman! Tulad ng ginagawa ko taon-taon, hayaan nyong muli akong bumati ng isang "Maligayang Pasko!"

Nakaugalian ko ng gumawa ng post sa tuwing sasapit ang araw na ito. Ituloy na natin ang nakasanayan. Now signing in... Enter!

Balik tanaw:

- Sa kaparehong petsa nang nagdaang taon, nagsimula akong umattend sa CLP ng SFC Napico 2 Chapter. Ipinagdiriwang namin ngayon ang isang taon ng simula ng IPlant. Enjoy mga kapatid!

At kahapon lamang, isang araw bago ang September 1, nagsimula na naman ang panibagong CLP ng kinabibilangan kong chapter: ang Anointed Fighter. Lahat kami, sobrang excited sa panibagong simula, isang bagong hamon, at bagong mga kapatid sa paglilingkod. Nakakagalak na sa unang araw pa lang ng CLP ay madaming nakadalong participants. Dalangin namin na sana ay manatili ang gantong bilang, o kung hindi man, madagdagan pa hanggang sa matapos nila ang programa. Nawa'y bigyan Nyo pa din kami ng lakas para magampanan ang mga tungkulin namin sa buong CLP.

We Praise and Thank God for this victory! Overwhelming sa dami ng participants!




Lord, please hear our prayer.

===

Anekdota:

Ang Mahiwagang SD Card


Matapos ang CLP, nagkaayaan kaming tumambay sa Tramo para sa konting kwentuhan at salu-salo. Kasama ko sina Koya Jeff, Kuya Lei, Boss Bent, Icep, Lady Yhoj at Wara. Heto ang isang nakakatuwang pangyayari.

Bago kumain, narinig ni Koya Jeff na pumatak ang SD card nya. Magbe-bless na sana kami ng food noon. Nagbukas kami ng mga backlight at flashlight sa mga cellphone namin at nagtulong tulong sa paghahanap. Hindi namin sya nakita sa kalsada, nakalampas na kami sa 3 meter radius sa paghahanap sa kinatatayuan ni Koya Jeff. Sinabi ni Kuya Lei na baka naman nasa bag lang or hindi naman talaga nahulog ang mahiwagang SD card. Patuloy na nanindigan si Koya Jeff na nahulog ito sa daan, kaya naghanap pa din kami. Naalis na namin ang mga mesa at silya sa paligid, subalit hindi pa din namin nakita ang mahiwagang card. Pinaalalahanan muli ni Kuya Lei sa Jeff nang makailang ulit pa.

Makalipas ang ilang minuto, tila wala na ding nagawa si Koya Jeff kundi tingnan ang loob ng bag nya. Literal na ibinaliktad at inihulog ang lahat ng laman, at dyaraaaaaaaaaaaaaan...

Nakita na namin ang mahiwagang SD card.

Lessons:

- Makinig sa sinasabi at payo ng iba. Huwag matigas ang ulo.

Minsan, ang mga bagay na inakala nating nawala, ay nandyan lang pala malapit sa atin. 
(parang The Alchemist lang ang dating, sabi ni Kuya Lei."

Ang mahiwagang SD card


Sulit ang simula ng Ber months. Nagsisimula pa lang kami. Salamat sa lahat ng aming  natutunan. 

Hanggang sa muli!

Thursday, August 29, 2013

Isan' Daan't Isang Kabaliwantunaan

Sa wakas! Umabot din sa isandaan't isa ang post count ko dito. Mabibigyang-halaga ko na din ang pamagat ng blog ko. Symbolic, ika nga. 101 posts = 101 Kabaliwantunaan.

Eksaktong apat na taon ang lumipas bago ko naabot ang bilang na 'to. Wala na talaga akong pag-asa kung seseryosohin ko ang pagsusulat nang matino. Sabagay, hindi naman matino ang karamihan ng nakalimbag dito. At muli, gagamitin ko ang ultimate na palusot ko : may disclaimer ako sa frontpage. Pakibasa ulit. 

Isandaan at Isang Kabaliwantunaan

Sa isandaan at isang post ko, tingnan natin ang post count statistics base sa kategorya. Ang ilan sa mga ito ay pawang pagtantya lamang:

Kabaliwan - 80 +
Trabaho -  5+
Imported sa Friendster - 13
Writing - 15
Love daw - 12
Mga Inspirasyon - 15
Wala lang - 70 +
Kadramahan - 7
Song lyrics - 5
Pangarap - 8
Pag-aaral - 7
SFC - 21
Flashback - 8
Matino - 10+ ?




Hopeless na nga talaga -  101 posts sa loob ng apat na taon. Kung gagamitin ang law of averages (yung pagkakaintindi ko), 25 posts per year ang nagagawa ko. 2 post per month kung ididistribute equally. .067 per day. Sa dami ng nangyayari sa akin sa isang araw, wala pa sa ikasampung bahagi ang nagawan ko ng tala.

Buti na lang may nagawa pa din akong may sense dito. At buti may nagawa din ako na halos walang sense. Talaan ko ito, pinaghirapan kaya hindi ko ikakahiya. May maiiwan na din akong alaala kung sakaling wala na ako sa mundong ibabaw (wag naman po sana agad agad, madami pa akong gustong gawin).

Kabaliwantunaan. 

Isang salitang naimbento ko mula sa mga salitang ugat na Kabaliwan at Kabalintunaan. Gusto ko, iba yung dating ng pamagat nito, kaya naghalungkat ako ng kung anong salitang wala sa diksyonaryo. At dahil baliw baliwan ako apat na taon na ang nakakaraan (hanggang ngayon naman baliw pa din), eto ang una kong naisip.

Sinimulan ko ang blog na ito na may layuning maging kakaiba. Kaya ko nga ginawang personal at karamihan nasa sariling wika para di masyado makanosebleed. Free flowing, walang sinusunod na istruktura kundi pawang galing lang sa kawalan. Ayoko pahirapan sarili ko sa pagsusulat, baka lalo ako tamarin. Ngayon ngang wala akong ginawang rules, tinamad na ako eh, ano pa kaya kung meron? Tsk tsk.

Nagsimula ang mga posts mula sa pagkabored sa dating trabaho. May maidagdag lang sa workload at macompensate ang free internet access na kasama sa benefits ng isang back office agent, naisipan kong magpost ng kahit isang linya lang kada araw. Hindi ko pa din nagawa nang tuloy-tuloy, pero madami pa din naman akong naitala, at masaya na ako doon. May ilang naisulat nang dahil sa nag-uumapaw na damdamin. Ilan sa mga iyon ang nag-enjoy akong balik-balikang basahin hanggang ngayon. Ang ilan, nagpapaalala ng mga nagdaang sakit, na sa ngayon ay nginingitian ko na lamang. Lahat ng ito, nagmula sa karanasan. 


Nitong nakaraang mga buwan, nabaling ang aking mga akda sa kasalukuyang pinag-uukulan ko ng karamihan sa aking oras: ang SFC. Mga karanasan at kaalamang natututunan ko dito ang naging laman ng blog ko. Hindi naman talagang puro kabaliwan at kabalintunaan na lang iyon. Napaisip din ako kung kelangan ba gawan ko na ng bagong blog ang mga sulatin na tulad nito sapagkat di na nga sya nasa kaparehong kategorya ng mga nauna at nasa pamagat nito. Pero tinamad na uli ako, at naisip ko din na mas maayos nang nasa isang lugar lang lahat ng mga isinusulat ko. Makikita din yung "transformation" ng mga writings ko. Lupet ng palusot!

Dapat ko pa ding ipagdiwang ang ikaapat na taon ng aking kabaliwan at kabalintunaan. Maligayang ika-apat na taon, Baliwantunaan :))) Cheers!

Bago ko ito tapusin, nais kong ibahagi ang isang linya na sobrang nakarelate ako. Muli, patungkol ito sa pagsusulat. Salamat sa mga FB groups at nabasa ko 'to, very timely. Lahat ng layunin ng mga naisulat ko, naisummarize ng linyang ito. Salamat!


You write because you need to write, or because you hope someone will listen or because writing will mend something broken inside you bring something back to life - Joanne Harris.


Magpapatuloy ang kabaliwan at kabalintunaan...