Sunday, September 1, 2013

September 1

Isa sa mga paborito kong petsa sa buong taon, at andito na sya. Hello September 1!

Ber months na naman! Tulad ng ginagawa ko taon-taon, hayaan nyong muli akong bumati ng isang "Maligayang Pasko!"

Nakaugalian ko ng gumawa ng post sa tuwing sasapit ang araw na ito. Ituloy na natin ang nakasanayan. Now signing in... Enter!

Balik tanaw:

- Sa kaparehong petsa nang nagdaang taon, nagsimula akong umattend sa CLP ng SFC Napico 2 Chapter. Ipinagdiriwang namin ngayon ang isang taon ng simula ng IPlant. Enjoy mga kapatid!

At kahapon lamang, isang araw bago ang September 1, nagsimula na naman ang panibagong CLP ng kinabibilangan kong chapter: ang Anointed Fighter. Lahat kami, sobrang excited sa panibagong simula, isang bagong hamon, at bagong mga kapatid sa paglilingkod. Nakakagalak na sa unang araw pa lang ng CLP ay madaming nakadalong participants. Dalangin namin na sana ay manatili ang gantong bilang, o kung hindi man, madagdagan pa hanggang sa matapos nila ang programa. Nawa'y bigyan Nyo pa din kami ng lakas para magampanan ang mga tungkulin namin sa buong CLP.

We Praise and Thank God for this victory! Overwhelming sa dami ng participants!




Lord, please hear our prayer.

===

Anekdota:

Ang Mahiwagang SD Card


Matapos ang CLP, nagkaayaan kaming tumambay sa Tramo para sa konting kwentuhan at salu-salo. Kasama ko sina Koya Jeff, Kuya Lei, Boss Bent, Icep, Lady Yhoj at Wara. Heto ang isang nakakatuwang pangyayari.

Bago kumain, narinig ni Koya Jeff na pumatak ang SD card nya. Magbe-bless na sana kami ng food noon. Nagbukas kami ng mga backlight at flashlight sa mga cellphone namin at nagtulong tulong sa paghahanap. Hindi namin sya nakita sa kalsada, nakalampas na kami sa 3 meter radius sa paghahanap sa kinatatayuan ni Koya Jeff. Sinabi ni Kuya Lei na baka naman nasa bag lang or hindi naman talaga nahulog ang mahiwagang SD card. Patuloy na nanindigan si Koya Jeff na nahulog ito sa daan, kaya naghanap pa din kami. Naalis na namin ang mga mesa at silya sa paligid, subalit hindi pa din namin nakita ang mahiwagang card. Pinaalalahanan muli ni Kuya Lei sa Jeff nang makailang ulit pa.

Makalipas ang ilang minuto, tila wala na ding nagawa si Koya Jeff kundi tingnan ang loob ng bag nya. Literal na ibinaliktad at inihulog ang lahat ng laman, at dyaraaaaaaaaaaaaaan...

Nakita na namin ang mahiwagang SD card.

Lessons:

- Makinig sa sinasabi at payo ng iba. Huwag matigas ang ulo.

Minsan, ang mga bagay na inakala nating nawala, ay nandyan lang pala malapit sa atin. 
(parang The Alchemist lang ang dating, sabi ni Kuya Lei."

Ang mahiwagang SD card


Sulit ang simula ng Ber months. Nagsisimula pa lang kami. Salamat sa lahat ng aming  natutunan. 

Hanggang sa muli!

No comments:

Post a Comment