Wednesday, March 3, 2010

ShinKayCoy :D

(sub)
A day with Mardz and Kwek =P

Heto na naman ang isang "katha" na ginawang negotiable instrument.

"Pay to X or order the amount of P _ _ _ _.__ upon demand." (Nagcite pa ng example mali naman. Ahahaha. Really need Memory Aid.)

In other words, here is a blog entry by demand. Though the same is not necessary due to the author's free and continuing consent (tama ba definition ko? Tsk. Fail. Palpak na talaga ang utak ko.) Anyways, let's make this a decent post. (decent pero puro kalokohan ang laman)


I should mark this day in my calendar. Sabit lang naman ako sa lakad na 'to, pero enjoy naman talaga. Full of first's 'ika nga nila. Enumerate:

1. First time nakapunta sa MEGAMOL. At ganyan talaga ang spelling. Congratulations Promdi!Ganap ka nang sibilisado!

Anu pa ba?

2. First time nakaorder ng matagal ko ng kinatatakaman na KFC Hawaiian Twister (Akala ko kung anong lumpia o shawarma yun sa mga commercial. Sa Wrap! Kwek next time ka na lang ha? Haha)

3. At syempre, first time na nakipagmeet sa mga magaganda, mababait at ever reliable na mga chat friends/buddies (anlaki dapat ng tip ko sa inyo para dito).

Dami kong side comments na nasa (close open) parenthesis. (Di daw to necessary sabi ni Bob Ong sa Stainless Longganisa). (Eh ano ngayon?) Walang basagan ng trip!

Wrap up na :)

Wala na naman akong masasabi eh. Ahaha. Tama na yang pang intro.

This day will always be remembered; at least, by myself (at siguro pati yung dalawang bida sa post na to... Mardz and Kwek). Teka wala pa akong naibibida sa inyo ah. Okei. magseryoso tayo ng konte kahit hindi bagay. :B,

Sa halos isang taon kong pagtahak sa landas ng elektronikong pakikisalamuha (nosebleed, di ko matagalog ang virtual, social networking, otherwise known as chat sa Uzzap), ito pa lang ang unang beses na nakipag EB (not more of an EB, parang usual trip nga lang) ako sa mga chatmates ko. Kahit dun sa pinagkatandaan kong mga chatroom eh wala man lang akong nakadaupang-palad. Andun na yung mga virtual nanay, anak, ate, mare, apo, kapatid, manager, spiritual adviser, asawa este wala pala, I never had a chance to meet them in person. May ilan sa kanila na gusto ko talagang makausap pero dahil sa 'sangmilyong kadahilanan, hindi natupad ang minimithi kong kahit man lang isang minutong totoong talastasan. (.. seryoso na talaga yan, di ko na ma-gets ang mga term na ginagamit ko:D..). Distance, time, availability, insecurity ( oo, ayoko iharap ang pagkasama kong mukha sa iba). The list goes on and on. Pero sa mga bida sa post na 'to, I thank God at syempre sila for making this happen :).

Mardz :D -=-=-=-=-=-

Gusto ko talagang ma-meet ang binibining (weeeh) ito in person. Sya kase yung tipong pwede mong kausapin about anything under the sun. Academics, soundtrip (NP:D), lablayp (ayun!), kalokohan, basta kung anu-ano pa. Di sya nauubusan ng kwento. You'll want to talk and talk with her about anything once makausap mo sya, yung tipong spontaneous na talaga yung magiging dialogue (in other words madaldal :D Peace Mardz :e). Sa chat pa lang yan. At ngayon ngang nakatagpo ko na ang real life (:D) na mardz, she proved me right. Isa 'to sa mga unang pangalan na hinahanap ko sa room pag pasok ko, palagi kasing me baong kwento. She's fun to be with. Ideal Girl material din (andami mo ng utang saken huy, piso per praise yan ha). One more thing, she reminds me of my Bestest Best Friend/kambal. I'm glad I met her, kase ngayong nawala na sya (technically), me dumating para magfill ng nawala saken. Yan si Mardz :Dv

Kwek:D -=-=-=-=-=-

The End:P

Ahahaha! Huy! Bayad na ako sa utang ko sa'yo ha. Eto na yung kapalit ng New Moon na di natuloy. Hehe.

Pagdating naman sa kalokohan, kalokohan, kalokohan, si kwek ang panalo dyan. (Ay Shin daw pala) (ahmm, kwek close ba tayo? kung oo, gaano ka close? ahaha! laida magtalas) [Pasensya na umaatake na naman topak ko]. Mabasa mo agad kaya ito? Mardz sshhhh na lang muna :Dv
Isa pa 'to dun sa mga di nauubusan ng kwento. Nakakamiss na din ka-PM, kaasaran sa room, karibal sa UAAP (oo na, panalo na USTE mo, Animo pa din ako. See you sa V-League :B,). Ang madalas lang naman namen pag-usapan nito at di nawawalang topic everytime magkachat kame eh PagKain. Yah, food. Pasurvey pa kung tumataba na daw sya, hindi naman:) Palaging me kinakain/kakain/kakatapos kumain pag kachat ko (oh wag ng tatanggi). Hanga lang talaga ako sa metabolism ng katawan nito at hindi halatang me good appetite ang "binibining" (woot woot! ahaha) 'to. Pero di na daw sya malakas kumain ngayon. Weh. Di nga.

Shin= Kwela :D Hindi pwedeng hindi ako hahagalpak sa tawa everytime kachat ko sya. Mas matindi pa pala in person :] Nung makita ko pa lang napapatawa na ako:) (ngiti lang pala:D:D ahahahahahahaha). Definitely jolly and gay! Ay sister! :P! She's definitely FUN to be with. Di ka magsasawang makasama tong taong 'to. Kaya apply na! (kwek yan oh pinaghahanap na kita ng bagong career para di ka na manosebleed dyan;p).

{{oy kayong dalawa pagpasensyahan nyo na self-centered post ata 'to. ahaha. wala na ako maisip eh. ganto lang talaga ako}}

===================
Wala na masabi:D:P

Wala naman kaming masyadong ginawa. Para lang mga adik na naghang-out sa Mega. Lakad-lakad, Kaen, kwento, tas kaen dapat ulet (buti hindi natuloy Haha:D ay natuloy pala nakaalis na nga lang yung mahilig kumain:D peace peace!!). Nagtagal sa food court ng walang ginagawa. Kulang pa daw sa food. Dapat pala pang 10 persons naorder. Kulang pa sa isa dun.

Sulit na sulit ang lakad. Naenjoy ko ang scenery dun:) Andaming twinkle twinkle shining little stars. (blushes). Ching!

Ansaya magpictorial. Stolen na prepared shots:D Pang Miss Photogenic si Little Miss Sunshine:)
Agree ba Mardz? Ahahaha :)

Andaldal ko na dito ah. Pero maniwala kayo, tahimik talaga ako. Di lang halata. Well, read the warning above:

At heto na naman ang mga di ginagawang normal na tao/manunulat. Ang magkwento ng tungkol sa nangyari sa isang buong araw at mga pananaw sa kung anu-ano. Para akong babae kung mag-ingay ah. Pramis po, di ako chorva. :D Weeeh!!!

(trip ko lang to, walang basagan ng trip).
================

A great day it has been. :) I owe them one. This is why I am thankful for having this "virtual" place with "real" people in it. I've got new friends. It may have started with simple "ASL's, Hi's and Welcome's", but definitely one cannot tell how relationships will grow. As for some, they "found" their other "halves", for others: real friends, for many: "part-time partners and the like", This is chat. And I for one will always be glad for having these two as my friends. Though we only met "electronically", still, I consider them as among the best ones I've had through this thing called "chat".

Sa uulitin, ShinKay:D KwekMardz:e

No comments:

Post a Comment