Friday, February 26, 2010

Battle of the Brains

After 48 years, heto at mapapalaban na naman ang mokong na'to sa Battle of the Brains. Matagal ko na din kaseng di to nagagamit :D. Time to take off the rust.

Andrama:D ahaha Para namang kung saang international contest sasabak. Hindi po, me pagsusulit lang na kukuhanin. Matagal tagal na din kaseng hindi nakakita ng test paper tong mokong na 'to. Hindi ko alam kung marunong pa ako bumasa nun o kung saan ba ilalagay ang sagot. Sa blank ba o sa space ? :P Isa lang nasisiguro ko. Paktay ako.

Halos isang buwan ko din pinaghandaan ang pagbabalik eskwela. Matagal ko na kaseng gustong bumalik sa buhay estudyante : Petix, walang pinoproblemang trabaho, me baon, nakakatanaw ng maririkit na tanawin sa kapaligiran (^_^)v ; hangout pagkatapos ng klase; overnight na nagiging sleepover at inuman sessions; ano pa ba?. Ngayon ko lang narealize kung gaano kasarap maging isang estudyante. Ngayon na isa na lamang akong Alipin (ako'y alipin mo kahit hindi batid.. weeehh!!!).

Hindi na katulad ng dati ang babalikan kong buhay estudyante. Hindi na pwede and petix, ang daldalan at kulitan sa harap ng prof, ang asaran/bonding with the same prof (pwede siguro,palagi ng me mga "leech" sa sistema). Next level na 'to. Hindi na pwedeng magloko. Seryoso na ang laban. Hindi na ako makakaasa ng libreng pagpapaaral di tulad nung kolehiyo, at hindi rin sigurado kung matatapos ko ito dahil sa mga hindi pa nakikitang mga kadahilanan. Pinansyal, pangkalusugan, at syempre, pangkaisipan. Hindi na ako katulad dati na me sariwa pang pag-iisip, na madaling maka"pick-up" ng mga itinuturo o nababasa. Hindi na masipag magbasa (hindi naman talaga ah), magsulat at kung anu ano pang ginagawa madalas ng mga nerd at geek.

Ibang silid aralan na ang naghihintay sa aking mga hakbang.

Welcome to the Place where Gods rule.

Welcome to Hell.

(*evil smirk*) Di ba di ba?

Ngayong nagbabalak na akong pumasok sa mundo ng karimlan (naglipana na ang mga Blackbeard Pirates, ang Akatsuki at mga Class S na halimaw) kelangan pang dumaan sa initiation. Sana bumagsak ako :D Tapos ang kwento.

Hindi ko alam kung kakayanin ko pang makipagsabayan sa mga bata bata saken. Wala na akong maipagyayabang. Kung meron man, yun na yung katandaan (pinagyayabang ba dapat yun? haha). Nawawalan na ako ng tiwala sa sarili ko. Kaya ko pa ba? Simpleng review nga di ko na maintindihan. Kumain na ako ng madaming chocolate di pa din nagfunction ang utak ko. (Liar ka J.K. Rowling (Peace), akala ko ba epektib sa dementors ang chocolate? bakit madilim at malamig pa din?) Dapat siguro 2t oil na inumin ko para swabe uli ang takbo ng utak ko. Papachange oil na ako. Pag di pa rin epektib, change engine na. Hopeless case.

Last resort. Tide. Pambura ng kalawang :D

Heto na! Heto na! heto na! HaaaaahhH!!!

Pwede na ba 'tong pang-essay writing? Di na ako marunong gumawa eh. tsk tsk. Bahala na nga.

No comments:

Post a Comment