Monday, September 30, 2013

Wake me up when September ends. Not the song.

Huling araw na pala ng September. Sa mga nakisabay sa awitin sa taas, pwede na kayo magsigising. 


Ako naman, magrerequest pa ng extension ng pagtulog. Isang magandang panaginip ang buwan na ito para sa akin. Kung pwede lang, wala ng gisingan 'to. Kaso, hindi. Buti na lang, para pa din akong nananaginip kahit na bukas ang aking mga mata. Maganda ang track record ko ngayong buwan. At dahil magtatapos ka na, hayaan mong alayan kita ng isang engrandeng pamamaalam. 

===

Salamat sa lingguhang tawag ng isang mabuting kaibigan, patuloy ko pa ding pinag-iisipan ang isang pangmatagalang pangarap: ang maging abogado. Pangmatagalan talaga, napag-iwanan na ako ng panahon. Dalawa sa aking pinakamalapit na kaibigan noong kolehiyo magpahanggang ngayon ang nakatakdang kumuha ng Bar Exam sa darating na Oktubre. Ang isa pa sa aming mga kabarkada, ganap nang may Atty. sa pangalan. Ang ilan, patuloy pa din sa pag-aaral. Ako, eto. Nagpapakabusy daw sa trabaho. Paulit-ulit kong pinaaalalahanan ang sarili ko sa pangarap ko, kahit pa sa kasalukuyan, hindi iyon ang daang tinatahak ko. Magulo pa ang isip ko ngayon, hindi pa ako sigurado sa gusto kong gawin. Ipagpapatuloy ko ba, or hahanap na lang ako ng bagong pangarap? Malinaw sakin ang mga interes ko, subalit hindi ko pa din maharap sapagkat kailangan kong maghanapbuhay. Mga praktikal na konsiderasyon muna dapat ang unahin. 

Ang pangarap, makapaghihintay yan. 
  
Meron pa akong siyam na buwan upang magpasya. Maaring maextend ng isang taon at siyam na buwan, dalawa, lima, sampu, o dalawampu. Ayos lang, masaya naman maghintay :)

Okay, sige. Balang araw, haharapin muli kita. Pero sa ngayon, kailangan ko munang ibuhos ang oras sa ibang layuning maaaring maging pangunahing ambisyon. 

At nais ko na din iparating ang buong pusong suporta ko sa mga kaibigang haharap sa pinakamadugong pagsubok. Apat na linggo na lang ng pagtitiis. Isang malaking hakbang tungo sa ating mga hangarin. Naiintindihan ko pa din ang hirap ng pagsubok na ito. Sabi nga ng idolo nating propesor noong kolehiyo, ito ang exam na kahit bigyan sya ng isang milyon eh hindi na nya ulit kukunin pa. Nasa inyo ang aming mga panalangin, sana'y maipasa ninyo ang Bar Exam. Para sa Bayan!


===


Fully-booked ang mga nagdaang Sabado ng Setyembre dahil sa CLP. Sa ngayon, ito ang isa sa mga pangunahing pinaghuhugutan ko ng inspirasyon at lakas, hindi lang sa trabaho, kundi pati na din sa araw-araw na ibinibigay Niya satin upang mabuhay. Napakasaya maglingkod, napakasarap sa pakiramdam na may nailalapit kami sa Kanya. Dahil sa mga activities sa SFC, mas madalas pa din ang pagiging positive-thinker ko. May mangyari mang hindi kanais-nais, partikular sa trabaho (medyo dumadami, pero nevermind, I have a reason to stay positive, accept my mistakes, and take full responsibility) iisipin ko na lang muli ang mga aral, panunumpa at mga susunod pa naming gagawin dito, at hindi ko na iindahin ang mga pasakit, konti na lang pala. Nakakahawa ang gaan sa pakiramdam dito. Nagiging mas maayos na din ang pakikitungo ko sa pamilya, mga kaibigan, at sa iba pa dahil dito. 


Thank you Lord for this unlimited source of happiness, inspiration and strength :)

==


Yaman din lamang na nabanggit na naman ang inspiration, kakanta na lang ako. 


You're the light that shines on me
Take away my sadness
You're the reason why I still believe in loving and
When you hold meI know that deep within
Now I'm not scared to love again


Masaya pa din naman pala kumanta at magsulat. Magtanong at maghintay. Manahimik subalit nakangiti, sapagkat nakakagaan sa loob. 


Oh boy, my favorite! :) 


===


Muli, maraming salamat, Setyembre. 


Gising na ako. Gising na gising. Subalit nanaginip pa din. Isang magandang panaginip. Panaginip sa totoong mundo.


Because right now, reality is definitely better than dreams. 

Friday, September 20, 2013

Recycled Post. Di makamove-on eh :D

Dahil wala akong maisip na bagong ideya para gawan ng post, nagbalik ako sa mga naisulat ko na dati. Nakakita ako ng linya na nagustuhan kong gawan ng panibagong pagsasalaysay.

Quoting myself from last year, iPlant CLP Talk 1 :

"I admit that at a certain point in my life, I have experienced both love and loneliness. But after I have seen that light once more, I will no longer doubt the absence of love. I may be alone sometimes, I may lost another love one, I may be rejected and be hurt once again, but this time, I won't question the existence of God and the love He has given us. His Love gives me the will to accept anything. I'm holding on to this Love, and make this my guiding light."

Sa ngayon, napatunayan kong nanatili pa din ang sinabi ko noong nagsisimula pa lang ako sa CLP. Natagpuan ko na ang liwanag. Nakabalik na ako dito. Maaaring magdilim muli, masasaktan, mawawalan, at maging malungkot sa ilang pangyayari. Natural lang naman na bahagi 'to ng mga dinaranas ng tao. Cycle nga daw, hindi palaging nasa taas, minsan nasa baba. Ibuhos man lahat ng ito, naniniwala akong hindi na ako matitinag, sapagkat may nagmamahal sakin.

Sa nakalipas na isang taon, makailang-ulit din akong nakaranas ng sakit. Makailang ulit din ako sinubok. May mga pagkakataong natalo ako, pero hindi ko na masyado ininda ang pagkagapi. Ipinagpapasalamat ko na lang ang mga iyon. Nakakatuwa at kakaiba, pero totoong hindi na nga ganun kabigat ang epekto sakin ng mga iyon simula ng maging active ako sa SFC. Mas naging magaan ang lahat, mas madaling tumanggap ng mga ganoong pangyayari at damdamin. Matibay na ata ang aking kinakapitan, at hindi Sya bumibitiw. Uulitin ko ang pinanghawakan ko, I'm holding on to this love, and will make this my guiding light.

Patuloy pa din akong ginagabayan ng liwanag.

Thank you, Lord.

---

Liwanag

Nakatagpo muli ako ng isang bagong liwanag sa paglalakbay. The Lord is so generous for sharing this light to us. Maayos na ang daloy, hindi ko naisip na may mas magbibigay-kulay pa pala. Salamat sa liwanag na nagdudulot ng saya sa lahat; sa liwanag na gumuguhit ng ngiti sa mga labi ng makakasilay dito; sa liwanag na nagdadala ng bahaghari sa kalangitan. You don't know how much difference you have made to someone else's life for simply being yourself and just being there. Just let your light shine on and continue to be a blessing and inspiration to others.

Thank you, dear light.

#

Monday, September 16, 2013

Rebirth

Jet black surroundings
Nothingness through the horizon
A deafening silence
Tiny shreds of imagination
A sudden flash of light
Everything came back to life
Rainbows filled a blank canvas 
Totally overwhelming the darkness
Living in the resurrecting brightness

Sunday, September 1, 2013

September 1

Isa sa mga paborito kong petsa sa buong taon, at andito na sya. Hello September 1!

Ber months na naman! Tulad ng ginagawa ko taon-taon, hayaan nyong muli akong bumati ng isang "Maligayang Pasko!"

Nakaugalian ko ng gumawa ng post sa tuwing sasapit ang araw na ito. Ituloy na natin ang nakasanayan. Now signing in... Enter!

Balik tanaw:

- Sa kaparehong petsa nang nagdaang taon, nagsimula akong umattend sa CLP ng SFC Napico 2 Chapter. Ipinagdiriwang namin ngayon ang isang taon ng simula ng IPlant. Enjoy mga kapatid!

At kahapon lamang, isang araw bago ang September 1, nagsimula na naman ang panibagong CLP ng kinabibilangan kong chapter: ang Anointed Fighter. Lahat kami, sobrang excited sa panibagong simula, isang bagong hamon, at bagong mga kapatid sa paglilingkod. Nakakagalak na sa unang araw pa lang ng CLP ay madaming nakadalong participants. Dalangin namin na sana ay manatili ang gantong bilang, o kung hindi man, madagdagan pa hanggang sa matapos nila ang programa. Nawa'y bigyan Nyo pa din kami ng lakas para magampanan ang mga tungkulin namin sa buong CLP.

We Praise and Thank God for this victory! Overwhelming sa dami ng participants!




Lord, please hear our prayer.

===

Anekdota:

Ang Mahiwagang SD Card


Matapos ang CLP, nagkaayaan kaming tumambay sa Tramo para sa konting kwentuhan at salu-salo. Kasama ko sina Koya Jeff, Kuya Lei, Boss Bent, Icep, Lady Yhoj at Wara. Heto ang isang nakakatuwang pangyayari.

Bago kumain, narinig ni Koya Jeff na pumatak ang SD card nya. Magbe-bless na sana kami ng food noon. Nagbukas kami ng mga backlight at flashlight sa mga cellphone namin at nagtulong tulong sa paghahanap. Hindi namin sya nakita sa kalsada, nakalampas na kami sa 3 meter radius sa paghahanap sa kinatatayuan ni Koya Jeff. Sinabi ni Kuya Lei na baka naman nasa bag lang or hindi naman talaga nahulog ang mahiwagang SD card. Patuloy na nanindigan si Koya Jeff na nahulog ito sa daan, kaya naghanap pa din kami. Naalis na namin ang mga mesa at silya sa paligid, subalit hindi pa din namin nakita ang mahiwagang card. Pinaalalahanan muli ni Kuya Lei sa Jeff nang makailang ulit pa.

Makalipas ang ilang minuto, tila wala na ding nagawa si Koya Jeff kundi tingnan ang loob ng bag nya. Literal na ibinaliktad at inihulog ang lahat ng laman, at dyaraaaaaaaaaaaaaan...

Nakita na namin ang mahiwagang SD card.

Lessons:

- Makinig sa sinasabi at payo ng iba. Huwag matigas ang ulo.

Minsan, ang mga bagay na inakala nating nawala, ay nandyan lang pala malapit sa atin. 
(parang The Alchemist lang ang dating, sabi ni Kuya Lei."

Ang mahiwagang SD card


Sulit ang simula ng Ber months. Nagsisimula pa lang kami. Salamat sa lahat ng aming  natutunan. 

Hanggang sa muli!