Monday, July 22, 2013

"I am Beloved!" : Tales from our MMC Story

"We love because He first Loved us."  - 1 John 4:19

Beloved. 

This is the theme for this year's Metro Manila Conference. It happens to be my first MMC, the second conference I took part on as a full-pledged member of the Singles for Christ ministry. As always, I'm more than excited not just for myself, but also for our brothers and sisters, especially the new ones, who will be attending the MMC. Adding to the excitement is that this will be celebrated in Subic, Zambales, a place known for its cleanliness and orderliness. It's time to experience another refreshing and blissful weekend for our Lord God.
=====================================
Day 1, July 19, 2013. 

We scheduled our trip early Friday morning as to arrive at the venue before the event starts. I had Zel, Jeff, Ate Gemma, Boss Bent and Jhoy with me on a 3 and a half-hour trip to our accommodation. Just in time for the beginning of the conference, we proceeded to the venue, the Subic Bay Exhibition and Convention Center.

A celebration of the Holy Eucharist is first on schedule to bless the entire festivities. Time was allotted for dinner. Participants started filling in the venue to set the biggest attendance record in the history of MMC. Moments later, we had our opening worship and the first talk:

Love Never Ending. 

Like Talks 1 and 2 of the CLP, we had a restatement of the topics on God's Love and Who is Jesus Christ today. It is then essential to answer the question "who is Jesus Christ to you?" The best response each one of us can give is through our personal relationship with Him. He can be a friend, a best friend, and a father to us. This is one of the many ways the Lord showed His love for us.

The story of Nathanael (John 1:46-51) highlighted the first day of the MMC. This is about how Nathanael had answered an invitation from Phillip to meet Jesus. Having uncertainties initially for Jesus is from Nazareth, Nathanael still responded. He came and saw Him. Just by their first meeting, Nathanael understood the greatness of Jesus and became a good follower. Also mentioned in the story is the fig tree where Nathanael first saw Jesus. The fig tree is a sign of blessing and peace. This further convinced Nathanael and made him utter the words of praise and blessing to the Lord.

Each of us has our own fig trees and invitations. How we will use and respond to them will make a great deal in our lives. We are invited by God to love Him.

"God places in every heart a longing and desire to know the one who created us in love and for love." God created us. He created us with love.

For He love us so much, he is UNCEASINGLY inviting us to experience His love. "God longs to give himself and be more to each of us PERSONALLY."

"His love is Universal. His brand of loving is intimate and personal." We should response through these ways as well, for it is only through His love that enabled us to love back.

We had three sharers to nourish us more about the topic. First in line is Bro. Aldrin. Something remarkable about his tale is how he brought SFC to his workplace. It is not an easy task, considering the nature of his work. Despite the tediousness of the job, he came out successful in evangelizing some of his colleagues and brought them closer to God.

Second are couple coordinators Bro. Binoy and Sis. Mariz. A combination of a love story and service, their narration inspired the participants to keep on "running the race even when we wait."

The last sharer is Sis. Rona. A non-SFC member when she attended her first ICON, she immediately experienced how great is our God, and from then on, she continued what was an unexpected start and lit the fire of service for the community.

Day one is done. The next day will be a full one for sure.
=============================================

Day 2, July 20

It is the Workshop Day. Before the MMC started, we already had decided on which workshops to attend to. I believed each of my brothers and sisters have gained inspiration and insights from the talks and experiences. Let me share my story.

I had no second doubts upon seeing the list of workshops and decided what I want. I love to write, to be a Shakespeare in Love. Armed with my pen and notebook, I joined El and Alex in this learning opportunity.

Our presenter for this workshop is Sis. Sam. Before the talk proper, she discussed one of the recent trends : the Social Media and how it is and should be related to writing/blogging. As an interactive medium, there are some points to observe in the use of social media. Here are they:

1. Avoid posting direct preachy messages. There are other ways on how to inspire others. We may not necessarily write or post something that will sound like we're preaching. It depends on our delivery, and there are a lot of ways to do so.

2. Living out the Christian Life. We are called to live according to His words.

3. Do not only preach to the choir. We had lots of groups aside from our inner circles that need guidance. Let us share the word to everyone. After all, we are commissioned by Christ, just like the first disciples, to spread the good news all over the world.


Writing/Blogging proper tips. I found these very interesting and hopes to observe them.

- Be bold
- Be creative
- Be relevant

Simple words, yet very meaningful. This can greatly improve ones writing if conformed with.

Some simple steps in blogging.
- Pray. Start from the heart. "Whatever flows from our hearts are always the best masterpieces we can create."
- Throw kites. Strict observance of grammar, technical writing tools and getting swayed by other's reactions will not help much. We are free to express the love of God in many ways. Just like our dreams, we can never know how high our kites can fly when thrown up in the windy sky. Share our personal truths. A simple and honest sharing of experience would be a good example.
- Goldmine of inspiration. Make God an inspiration in writing. We can do all things through Christ who strengthens us. (Phil 4:13).
--
Some other concepts on blogging:

Psychology - everything that makes you tick and makes you uniquely you.
Marketing - using our own concept, a one-of-a-kind packaging
Art - layout, color scheme, font.
Communication - writing style and voice
Mathematics - statistics, numbers, monitoring of views

--
The Sandwich Principle on Blogging

Start with Christ
Arrange (Architect and Gardener)
New
Develop patterns
Write
Inspire
Be Honest
--

Just before the workshop ended, we were tasked to write a blog about one of the topics on first crush, recent blessing, and a favorite movie. I came up with one of my favorite topics from my previous posts years ago, and the words just kept flowing in.


We had our lunch after the workshops and we're back to the main hall. Time for another talk, with Fr. Noel on stage.
---
Obedience and Discipleship

An interesting start of the talk was the communication cycle presented by Fr. Noel. The Speaker-Message-Listener-Feedback-Speaker... and so on cycle was replaced by a great manifestation of how we should obey God. By putting God first, Revealing Him to Man, Faith happens and Man will believe in God, and so on.

"We walk by faith and only hindsight is 20-20."

This is how our lives will be if we follow the cycle above. We need not fear being in unknown territory or situation (terra incognita). Everything else will have the feeling of familiarity, of knowing (terra firma).

"When you radically obey, you will radically be blessed." Good things come to those who believe and follow Him.

Fr. Noel mentioned stories about David. Here are some of the essential points in these stories:

"Don't settle for partial victories.'
"The pain of discipline is temporary but the pain of compromise is permanent."
"Destiny is worth fighting for."
"What you cannot confront, you cannot conquer; and what you cannot conquer will taunt you for the rest of your life." 

All these could be connected to our dreams. Some words to ponder on how we can reach the dreams we're longing for.

Therefore, we must: humble ourselves, have a made-up mind, and go on our knees.

"God determines our destiny."

"You are not what people label you."

"The size of your enemy indicates the size of your destiny."

Also tackled was the story of Rahab, one of the few women mentioned in the Genealogy of Christ. The story teaches that:

"Just one touch of God's favor can change your life."

And more importantly, to move forward, we must get rid of self-pity. "We have our own races to run. Give everyday a chance."

A cute story was narrated by Fr. Noel to emphasize the meaning of the statements above. The contrasting stories of the Dog and the cat indicates that we can always see things and treat them as "my favorite", and everything will be on a positive note, instead of the cat who is vengeful and keeps on whining at almost everything. We can always say thank you and be grateful for everything, even the not-so-good ones.

That I think is one of the better sessions for the entire Day 2 of MMC. :)

Evening came and the last set of talks for the day started.

Beloved

Sis. Maan conducted this talk: one of the day's highlights as well. We will go back to the theme. Since we are created by God, there is always a desire for God imprinted in our hearts. We are God's beloved children (Jn 3:16).

Today's world poses several obstacles for man to be God's beloved. They are:
1. Attachment to the cares and riches of the world - We should prioritize total loyalty and commitment instead.
2. Blinded by Ignorance - The story of Judas teaches us not to be indifferent. We must be intimate to God so we can imitate His love.
3. Attachment to sin - The the Samaritan woman by the well tells us the power of conversation to conversion.

God tells us:

You are my Beloved.
I love you.
You are mine.
---

Be loved.

The last session for the day was facilitated by Br. Noli. This is the time to be intimate and to surrender to the Lord our God, for His Love conquers our:
-Fear
-Doubt
-Inadequacy
-Unforgiveness
-Sins and Death

God's love is so powerful. We just need to totally surrender ourselves and fully submit it to Him. This we have manifested through the prayer sessions with our partners from the entire community. It is just like confession, but has a different twist in it; the results are all the same : a lighter heart, more understanding and a heart free from fear, doubt, inadequacy, unforgiveness and sins.

Day 2 has just ended. We are about to give our all in the last day of MMC.

===================================================

Day 3, July 21.

Yes, it is already the last day of MMC. Again, the Holy Mass was celebrated before we begin with the activities. The opening worship fired us up , and it kept ablaze the whole time.

Bro. Bob took over the stage for the conference's last session. We are back where it all started: with God's love. Some of the characteristics of this are as follows:
- Free
- Total
- Faithful
- Fruitful

We must also be reminded of the greatest commandments He gave us. To love our god with all our heart, all our mind, all our soul and all our strength; and to love our neighbor as we love ourselves.

The response is easy to remember and needs full commitment:
Sustainable active membership growth
Faithful in stewardship of time, talent and treasure
CFC integration

The reinforce these topics, we had another wave of sharers. Bro. Rene started with his story on how he overcame self pity and poverty. It was such an inspiring story, could be one of the common success stories but it is still in the writing process. The initial obstacles brought about by being born in a not-so-well-off family and self-pity has already passed. He just made them an inspiration to keep on struggling.

"Lahat ng struggle, may purpose." True indeed, and the blessing kept on coming after he was introduced to the community.

Sis. Jen told her story of service in prison, GK and Cornerstone, and how these services has improved her outlook and relationship with her family.

After the sharing, we had our final activity - the wearing of the cross. Everyone, from the Core Team down to the chapter members received our crosses, a symbol of God's Love for our salvation.

The weekend filled with love has come to a close. The events may have ended, but the love we received remains and keeps on burning within us. We will share and love others, for God has loved us first.

For all these, May God be Praised!

Sunday, July 21, 2013

Inspired

Flowers by the grassfields
A calm face watching in silence
Voice resounds in the ears
Like gentle music for soul
The sky suddenly drops tears
A misty road on viewing hills
A feeling that brings a different chill
As trees and clouds flash by the eyes
A silent prayer delivered to the sky

Monday, July 15, 2013

Isang taong katahimikan

Madami na akong itinuring na mga "best moments" sa buhay. Hindi ko na mabilang, at hindi na din maalala. Sa tuwing may napakagandang nangyayari, palagi ko na lang sinasabing ito ang pinakamasayang bahagi ng buhay ko. 

Muli, ililimbag ko ang sa palagay ko ay ang pinakatahimik, pero masayang taon sa buhay ko. 

Saktong isang taon na ang nakalipas. Dalawang buwan din akong nagluksa at nagmukmok sa pagwawakas ng pinakamagandang pangyayari sa buhay ko noon. Pilit akong humanap ng mga bagay na makakatulong sakin na makalimot. Mula sa kung saan, naisip ko na lang hanapin ang sarili sa katahimikan matapos ang isang musikang pumuno ng kulay sa aking paligid. 

Saktong isang taon nang magtungo ako sa isang retreat house sa Tagaytay. 2 araw akong nagpakalunod sa katahimikan, pag-iisa at pag-iisip. Ilang tao lang ang nakausap ko. Bukod sa ibinigay saking mga babasahin, saglit na pagcheck sa mensahe ng mga kaibigan sa FB lang ang tanging pinaglaanan ko ng oras. Wala akong ibang inisip. Isinaisantabi ang lahat ng nagpapabigat sa loob ko. At paunti-unti, nakarinig ako ng bagong musika. Isang taon ko nang pinakikinggan ang musikang iyon. Naglaho na ang itinatagong hinanakit sa tuwing ngingiti. Naging napakapositibo ng lahat. Nanumbalik ang haba ng pasensya. Natutong mas maging bukas sa mga kaibigan. Bagaman tahimik pa din, mas naging madali ang pagbabahagi ng kwento. Mas napanatag ang kalooban. 

Salamat sa musikang narinig ko mula sa katahimikan. Magpapatuloy ito sa pagtugtog, hindi lamang sa loob ng isang taon, kundi sa mga darating pang panahon. 

Tuesday, July 9, 2013

Serbisyo = Sakripisyo

Halos limang taon na pala akong naghahanapbuhay. Sa loob ng limang taon na iyon, madami na akong nakasalamuha. Hindi lang sa mga opisina sa trabaho, pati na din sa ibang larangan ng paglilingkod : gobyerno, komunidad, civic society groups, atbp. May ilan akong napagtanto habang inoobserbahan ang mga taong nagbibigay-serbisyo. Mga pananaw na sa palagay ko ay kelangan kong ibahagi. Maaaring madaming magi-guilty, madaming aangal, magmamalinis, sasang-ayon, pupuna at magiging mga kritiko. Hayaan nyo itong maging batayan ng isang self-check. Inuna ko na ang sarili ko, at alam kong nasapul ako ng ilan sa mga ito. 

---

Ang paghahanapbuhay at ang iba pang larangan ng serbisyo ay isang sakripisyo. Sa una, sakripisyo upang mabuhay - matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan. Mula sa salitang-ugat : hanap-buhay; Sakripisyong may kapalit, just compensation ika nga. Binabayaran tayo para sa serbisyong ibinibigay natin. Kung hindi tayo gagalaw at magtatrabaho, wala tayong kikitain. Walang panlaman-sikmura sa pamilya o maging sa sarili man. 

Tulad ng nabasa ko sa isang librong nagtuturo kung paano mag-ipon, gusto ko din itong iparating sa karamihan ng mga nagtatrabaho : 

"May hanapbuhay tayo sapagkat may mga taong/organisasyong may problema. Sa pamamagitan ng ating hanapbuhay, nalulutas natin ang kanilang mga problema. Kung wala silang problema, wala din tayong trabaho."

Makes sense? 

Kaya naman nagtataka na lang ako sa tuwing may mga nagrereklamo na andami nilang trabaho. Ganito din ako dati mag-isip. Pag nadagdagan ako ng trabaho, magrereklamo ako. Maaasar, iisiping wala ito sa pinirmahan kong kontrata. Syempre, sino bang ayaw na halos "happy-go-lucky" lang sa trabaho? "Hangga't maaari, kung may madaling paraan para kumita, bakit ko pa papahirapan ang sarili ko?" "Be practical, sabi nga."

Salamat sa mga katagang iyon, natauhan ako. Ito ang reyalidad. Mahirap ang buhay. Mahirap maghanapbuhay. Kung binabayaran ako para sa serbisyo ko, marapat lamang na ibigay ko ang sarili para doon. Mas malalasap ko ang halaga ng sweldo na alam kong pinaghirapan ko talaga - pinaglaanan ng buong oras at tumanggap ng mga responsibilidad na alam kong kaya ko pang gawin. Madaming taong may problema, at malugod ako na nakakapagbigay-solusyon sa mga problema nila. 

Siguro, may mga mag-iisip na pagpapakamartir ito. Too good to be true, masyadong ideal at hindi karaniwang makikita sa totoong mundo. Okay sige, pero para sa akin, mas matimbang pa din ang just compensation. To give what is due. Hihiramin ko ang isang kaisipan mula sa kathang-isip na Fullmetal Alchemist ni Arakawa : "Law of Equivalent Exchange." Tama lang naman di ba? Maaaring kathang-isip lang ito, pero kung papakalimiin, hindi ba't may punto din naman? Equality and justice in one. 

Hindi naman maiiwasan ang magreklamo sa dagdag-trabaho, lalo na kung punong-puno na nga naman at kulang pa ang walong oras para gawin ang lahat ng dapat gawin para sa isang araw. Sa ganitong sitwasyon, isa ako sa mga sasang-ayon na dapat lamang nating tanggapin kung anong kaya natin. Wag oo lang nang oo, matutong tumanggi. Nakikisimpatiya ako sa mga taong labis-labis na ang load sa trabaho at pilit pa din dinadagdagan ang mga pasanin. Palagay ko naman justifiable na ang mga reklamo o mga hinaing. Sige , kaya nga merong OT para dito ilaan ang trabahong di nagkasya sa walong oras. Pero kung sobra-sobra na at inaabot na ng mahigit 12 oras sa isang araw, aba eh ibang usapan na yan. Dito na papasok ang mga probisyon ng Labor Code at Management Prerogative. 

Ang serbisyo ay isa talagang sakripisyo. Maaaring bata pa ako pagdating sa paghahanapbuhay, subalit pipilitin kong isaisip ang mga katagang iyon. Magsasakripisyo ako sa paraang alam ko at kaya ko. Alam ko din naman ang limitasyon ko, at alam kong kaya ko pang magsakripisyo.

---

Mula sa serbisyong may katumbas na kompensasyon, magtungo naman tayo sa serbisyong walang inaasam na kapalit. Dito papasok ang mga civic society groups, NGOs, o yung mga non-profit organizations. Sa pagkakataong ito, hindi ako sigurado kung may sapat na akong kaalaman o karanasan upang magkomento. Baguhan ako dito, at  isang sektor pa lang ang napagsilbihan ko. Isang bagay lang ang sigurado ako : mas lalong higit na sakripisyo ito kumpara sa nauna. Halos unconditional na ito. Ang tanging maitutumbas lang sa serbisyo ay ang pasasalamat ng mga taong napaglingkuran, at syempre, ang self-fulfillment matapos makatulong sa iba. 

Sa lahat ng larangan ng ganitong serbisyo, mas malaki ang investment. Manggagaling lang sa mga nagmagandang loob ang pondo, minsan sa sariling mga bulsa pa nga. Taas noo ako sa mga tao/grupo na nagpapatuloy sa ganitong serbisyo. Maaaring kadalasan ay hirap at sakit ang kanilang dadanasin, subalit hindi ito hadlang upang ituloy nila ang kani-kanilang mga adbokasiya. 

Bukod sa mga donasyon at "bente-bente", ilan pa sa mga essential dito ang samahan, tiwala, at komunikasyon. Kung sa gobyerno at hanapbuhay ay may "pulitika", meron din sa mga ganitong organisasyon. Walang perpektong sistema hangga't may taong involved. Walang perpektong organisasyon. Lahat naman may limitasyon, lalo na ang tao. May emosyon tayo, vulnerable, nasasaktan. Malaking isyu pag alinman sa mga ito ang nagkabutas. At kung sakali man na maging sanhi ng mabigat na suliranin sa organisayon ang limitasyon na ito ng mga tao, naniniwala akong may mga paraaan pa din upang magpatuloy ang serbisyo. Anumang di pagkakaunawaan at kakulangan ng komunikasyon ay di dapat maging hadlang sa pagbibigay serbisyo. Mahirap, sobrang hirap, kasi nga tao tayo. Muli at muli, magbabalik tayo sa kahinaan ng tao - maaari ding kalakasan - ang kanyang emosyon. Parang sa hanapbuhay lang. Minsan kelangan ihiwalay ang personal na buhay sa trabaho. Professionalism ika nga. 

Muli nating paalalahanan ang mga sarili sa depinisyon ng isang organisasyon : isang grupo ng mga tao na kumikilos para sa isang layunin. Hangga't nananatili ang layunin na iyon, kahit anumang maging suliranin o di pagkakaunawaan, naniniwala akong maaayos pa din ang lahat, gaano man katagal ito abutin at kahit gaano kasakit ang mga sugat na iniwan nito sa bawat miyembro. Nagbuklod na ito minsan, at walang dahilan para hindi ito mangyari muli. Hinihilom ng panahon ang mga sugat ng kahapon. Palaging may "win-win situation". Magbabalik ang lahat sa layunin ng organisasyon.

Pagdating sa serbisyo, di dapat tayo pangibabawan ng ating mga emosyon, lalo't higit kung alam nating di ito makakatulong sa atin upang maglingkod. Ang serbisyo ay sakripisyo. Pinaglalaaanan ito ng sarili.

Total sacrifice: oras, luha, pawis, dugo (minsan literal) ang inilalaan sa ganitong serbisyo. Hindi madali ang paglalakbay sa daang ito.

===

Tulad ng mga nabanggit, masaya na akong makakita ng ngiti, makasalamuha at makakilala ng mga bagong kaibigan, at makadama ng self-fulfillment habang naglilingkod. At tulad sa hanapbuhay, alam ko pa kung hanggang saan ang kaya kong isakripisyo. Masaya akong maglilingkod, kahit alam kong darating ang puntong mahihirapan din ako. Masaya kong haharapin ang mga hamon, sapagkat sa bawat sakripisyo, katumbas nito ay ngiti sa kahit isang tao lamang na napagsilbihan ko. 
o yung mga non-profit organizations

Tuesday, July 2, 2013

Tayo. Sagot. Gising,

Naglalakad ako sa dati kong paaralan. Nakita kong nagkaklase ang isa sa mga iniidolo kong propesor. Umaligid ako sa classroom, maya-maya'y pumasok na din doon. Napansin niya ako at ipinakilala sa kanyang klase.

Kasalukuyang nagrerecitation ang mga estudyante. Tahimik akong nakinig sa kanila habang pinagmamasdan ang reaksyon ng propesor. Mula sa kung saan, may tumawag sa akin at pinatayo ako sa harapan.  

"Ano ang masasabi mo tungkol sa mga nayon?"

"Hindi maipagkakaila na may pag-unlad nang naganap sa mga nayon ngayon. Kasabay ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya, masasabi kong umunlad na din ang mga nayon. Sa kabila nito, may ilang bagay pa din na kailangang isaalang-alang para masabing ganap ang pag-unlad. Sa nayon namin, hindi lahat ay nagaganap ng naaayon sa pagsulong. May ilan pang hindi nagkakaunawaan. Marahil, hindi mangyayari ang ganap na pag-unlad hangga't ganito ang sistema- nagsisimula sa indibidwal, baranggay captain, mayor, congressman, governor, senador, hanggang sa presidente."  

Nakangiti sa akin ang dati kong propesor. Hindi ko alam kung dahil ba sa galak na makitang may nanatili pa din sa dating "ako" o dahil sa walang sense ang sinagot ko, o sapagkat iba ang gusto nyang marinig na sagot mula sa akin. 


===

Nagising ako. Panaginip lang pala yun.. 

===

Wala ng oras para sa sunod-sunod na mga tanong. Hindi na aabot sa isang oras na pagtayo at pagsagot sa mga nakakakabang question and answer tuwing recitation. Nakamulat na ako. Gising na ang diwa. Wala na ako sa paaralan. Nabawasan na ang pagkakataon kong ipaglaban ang mga isinagot kong walang sense. 

Sinasabing ang mga panaginip ay mula sa subconscious ng mga tao. Dahil dito, magagawa daw natin kontrolin ang mangyayari sa panaginip natin. Sa napanaginipan ko ngayon, siguro nga ang isang bahagi ng aking pagkatao ay patuloy na umaasang makakatayo muli ako sa harap ng klase, magrerecite, manginginig, subalit mag-eenjoy habang naghahalakwat sa isip ng kahit anong pwedeng isagot sa mga tanong at sigaw ng mga propesor. 

Nakakamiss talaga mag-aral. Katulad din lang ako ng karamihan ng mga kakilala kong nakalampas na sa yugtong iyon ng buhay. Hinihiling namin na makabalik sa pag-aaral. Kung pwede lang, sana nag-aaral na lang kami at hindi nagtatrabaho. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Kailangan na naming kumayod para mabuhay. Di na kami umaasa na lang sa mga magulang para bigyan kami ng allowance, pumunta sa paaralan at makinig sa mga lectures, mag-exam, magrecite, at maghintay hanggang matapos ang school year. Matatanda na kami. Kailangan ng tumayo sa sariling mga paa. Ito ang tunay na mundo pagkatapos ng paaralan. 

Muli, hindi ko pa din binibitawan ang hangarin kong makatuntong muli sa paaralan. Pero sa ngayon, ayoko munang mangako sa sarili ko na tutuparin ko ito agad-agad. May mga bagay pa akong kailangang unahin. Pamilya, SFC, Trabaho, Ipon - may iba pa akong priorities na kasalukuyan kong binibigyang-pansin. HIndi ko alam kung kailan ako makakabalik ... o kung makababaliik pa talaga ako. Sana, sana, sana. 

Tutulog muli ako. Mananaginip na muling tatayo. Magsasara ng notes. Lulunok. Pagpawisan. Magrerecite. Aasang gigising at mangyayari muli ang mga ito nang hindi nakapikit ang mga mata.