Thursday, December 30, 2010

Year-ender.. Once Again

Lilipas na naman ang isang taon. Ayos. Magsasawa tayo sa uno (1) ngayon. Unang araw pa lang ng taon 1-1-11 na. Kung pumapasok pa pala ako sa eskwela magandang bagay sana ang uno. Buti na lang hindi na.

Paalam Dos Mil Diyes.

Welcome 2011.

Palagi na lang nakakabit sa pagsapit ng Bagong Taon ang ideyang panahon na ito ng bagong simula. Nakakatawa. Hindi ba't palagi naman tayong pwedeng magsimula kahit hindi Bagong Taon? Sabagay, tradisyon na din siguro nga. Panahon daw para sa mga New Year's resolution at kung anu-ano pang pangako sa sarili. Mga pangakong mga 80% eh hindi matutupad. (Teka ma-check nga yung mga pinangako ko last year...)

Quoting myself a year agO :

=====
"Siguro kung paano ko sinalubong ang bagong taon eh parang foreshadowing ng mangyayari the whole year."

That's about starting things right. Start the year right and end it right.

This year I had resolved to change things. A new year means a new self. Time to move forward. Time to keep walking. Here I go. Almost there. Taking a higher leap, I'm going to reach you.

=====

Ayun. Kinontra ko na sarili ko. Isa lang ako sa mga nag-iisip na ang bagong taon ay bagong sarili. Nangakong magpapatuloy ng hakbang pasuloooong, kad! Kaliwa, kaliwa. Kaliwa kanan Kaliwa. Lipaw, da! (One, Two!). Adik ako. Ahaha. Cough Cough Cough!!!

(Pambihirang ubo 'to oh, kanina ka pa nang-aano eh. Wag ka nang makisabay sa putukan bukas, ayoko nang salubungin ang bagong taon na masama na naman ang pakiramdam. Tuseran! Solmux! Magtrabaho na kayo!!!)

Me nagbago ba ngayong 2010? Sa'ken? Sa iba? sa Bansa?


Sa wakas, salamat sa Konstitusyon at tuluyan nang bumaba sa pwesto ang mababa este maliit na pinuno. Nag-kulay bahaghari ang mga lansangan, panay ang batuhan ng kung anu-anong propaganda. Maraming na LSS sa "Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura. Nagpasko ka na ba sa gitna ng Kalsada". Marami ang nagsabit ng mga dilaw, dalandan (dalandan nga tagalog sa orange no?), berde at kung ano ano pang laso sa kanilang mga sasakyan. Nagkaroon ng bagong pinuno. Ang dating pinuno, UBOD talaga ng husay at bait sapagkat patuloy na naglilingkod sa bayan ??!

Naging bida ang Pilipinas sa international community dahil sa kapalpakan. Nanalo na naman si PacMan. Natalo ang San Miguel sa Finals ng PBA.

Ano pa nga ba?

Siguro nga me nagbago. Ang tanong, makabuluhan ba ang mga naganap? Para sa karamihan, malamang. Sa'ken, ewan. [Tama na nga ang pagiging kritiko sa mga suliranin ng bayan, wala din naman akong ginagawa kundi ngumawa kaya walang karapatang manisi pa].

::back to being a self-centered post::

Nakagraduate na din yung isa sa mga malalapit kong kaibigan after 48 years.=) Nagsimula nang mag-aral yung pinakamatanda kong pamangkin. Nakalipat na naman ako ng nirerentahang kwarto. Pero nandito pa din sa parehong trabaho. At speaking of trabaho, nagkapapatong-patong ang kapalpakan ko. Buti na lang nakabawi bago matapos ang taon. Tawanan lang daw ang mga pagkakamali. Eh di tawanan. Ayun, naging okei na ulet, siguro.

Masyado akong nahype sa pagbabalik eskwela ko. Matagal ko din pinagplanuhan. Nagpost pa ng kung ano-anong related sa pag-aaral. Bumili ng memo plus para marefresh ang kinakalawang ng memorya. Nagpractice magsulat na parang Grade 1 sa pang Grade 1 na papel. Nagloan ng reading glasses para sa mga tambak na babasahin. Nanghiram ng memory aids, notes and books sa mga kaklaseng nagpatuloy sa abogasya. Nakatuntong muli sa loob ng classroom. Nakinig, nagmemorize, nagrecite, nag-exam, nasindak, natuwa, inantok, natulog ng 2 oras sa isang araw, natambakan ng hand-outs, nagdigest ng cases sa harap ng monitor habang nasa trabaho, nagresearch, at syempre, nagbasa ng nagbasa...

para lamang sumuko sa huli.

Isa siguro sa mga pinagpapasalamat at pinanghihinayangan ko ngayong taon ay ang pagiging estudyante na muli. Nagpapasalamat, sapagkat kahit papaano, nakondisyong muli ang utak ko. Napatunayan na kaya ko pa palang makipagsabayan sa pag-aaral kahit nabakante ako ng mahigit 2 taon. Nanghihinayang, sapagkat nagpadala sa pressure, pinili ang hanapbuhay kesa sa pag-aaral, at inisip na mas mahalaga ang pera ngayon kesa makatapos sa pag-aaral. Magkaganunpaman, pinapangako kong babalikan ko ang buhay estudyante para tuparin ang matagal ko nang pangarap. Marahil, hindi ngayong taon, o sa mga susunod pa. Palaging nakatingin ang isa kong mata dito, mahirap na, baka makalimot.

Anything else?

Sumubok, tinumbasan, maayos sa simula, ilang buwan lang ang lumipas, natapos din. Natuto. Nagpakatanga.

Sa kabuuan, madaming maganda, madaming di magandang nangyari sa'ken ngayong 2010. Fair share, ika nga. I'd take it anyway.

Ngayon, parang ayoko na mangako ng pagbabago. Di naman kelangan, kasi mangyayari at mangyayari din yun. Pwedeng limitahan, pero di pwedeng pigilan. Kung pwede din lang, ayoko ng mangako. Mahirap na, sawa na akong batukan ang sarili dahil sa sandamakmak na planong nauwi lang sa pagiging drawing.

Aasa na lang ako sa kung anumang ibibigay sa'kin ngayong darating na taon. Accept what the times has to offer me, and somehow work on it.

Magpapatuloy sa kabaliwan sa kabila ng lahat ng kabalintunaan...

Manigong Bagong Taon!!!

No comments:

Post a Comment