Saturday, September 18, 2010

Activate Author Mode

Matagal tagal na din palang di ko nagagalaw 'tong blog ah. Kelangan na mag-ipon ulit ng bagong ideas para sa bagong ewan na post.

As promised, I will keep myself sharp so there'll be no need to do much maintenance when I return to the "right track". Mahirap na, pumupurol na ulit ang utak. Di pwedeng nakatambak na lang ang libro, handouts, notes, full text cases, salamin, memo plus, papel at ballpen. Parang McArthur lang, I shall return. At parang Big Brother lang. Sa takdang panahon.

I will never just give up on my dream that easily. But if I need to take a different road before heading back to it, I will gladly accept that.

Ang pangarap, makapaghihintay. Pero hindi naman pwedeng palagi na lang itong paghihintayin. Baka mamaya, mawala na lamang ito sa paningin. Mabuti na din na palaging nakatanaw ang isang mata sa pupuntahan. Kahit magpabago-bago ako ng daan, alam ko pa rin kung saan ang huling destinasyon.

At sa ngayon, magtyatyaga na lang ako sa paggawa ng mga bagay na alam kong ikabubuhay ko bagaman hindi ko gaanong gusto. Kunsabagay, karamihan naman ganito ang pinagdadaanan. Ang maging masaya at makuntento sa anong inihahain sa'yo, sapagkat sa ngayon ito lamang ang mabibigay sa'yo, bagaman madami ka pang ibang bagay na hinahangad.

Ganda ng palusot!

1 comment:

  1. it's not palusot, it's reality. =) just don't let go of your dreams.

    ReplyDelete