November 2. All Soul's Day. Panahon ng paggunita sa mga kapamilya, kamag-anak, kaibigan, at sinumang kakilalang namayapa na. Nararapat lamang na dalawin ang puntod nila, maghandog ng bulaklak, magtirik ng kandila at mag-alay ng dasal para sa kanila. Isang tradisyong nakasanayan na ng mga Pilipino. Nakabisita na ako sa puntod ng tatay, mga lolo at lola, mga tiyuhin at pinsan kahapon. Tahimik na nakapagdasal kahit ilang saglit lang.
Matagal ko nang inisip gumawa ng post tungkol sa paksang ito: Kamatayan. May nagawa na ako dati, pero pampalabok lamang ito sa pinakatinutukoy ng akda. Ayoko din masyado talakayin ng malalim; una hindi ako eksperto sa pagpapaliwanag dito, pangalawa, kinikilabutan ako. Bagkus magbibigay lamang ako ng opinyon at ilang katanungan.
Dapat ba tayong maging malungkot sapagkat iniwan na nila tayo, o maging masaya para sa kanila sapagkat namamahinga na sila sa buhay sa mundo na puno ng paghihirap?
Ngayon ko lang ulit naisip kung ano ba ang dapat isasagot dito. Masakit sa una, sapagkat nawalan ka ng mahal sa buhay. Mami-miss mo ang mga bagay ng ginagawa nyo noon at tanging sa alaala na lamang mangyayari muli. Tila ba may nawalang bahagi ng buhay mo, lalo na kung naging malapit ka sa taong namaalam. Pero kalaunan, maiisip mo na lamang na masaya na din siguro sya saan man sya naroon sapagkat malaya na sya. Wala na syang problema, mapayapa na ang kanyang kalooban. Di na makakaranas ng sakit ang kanyang katawan. Kapiling na sya ng Lumikha.
Kung susumahin, may pagsakabalintunaan ang pwedeng maging pananaw o damdamin para sa mga pumanaw.
Patungkol naman sa kamatayan. Palaging unang sumasagi sa aking isip ang madalas mabanggit ni Tado Jimenez (SLN) sa Brewrats noon. "We're all gonna die anyway." Totoo naman, walang makakaligtas sa kamatayan. Lahat, ito ang final destination (pwera na lang kung dumating na ang paghuhukom na nakasaad sa Bibliya). Hindi ito mapipigilan (parang pabebe girls lang) pero kung matakasan man ng ilang beses, ito pa din ang ending. Walang pinipiling lugar, edad, sitwasyon. Sakit, aksidente, karahasan, katandaan: mga kadalasang sanhi ng kamatayan. Pick and choose lang yan. Pero naniniwala ako na nakasulat na ang ating kapalaran pagdating ng ating katapusan.
Kung ako ang papipiliin sa gusto kong ending ng kwento ko, syempre sa katandaan na ako. At least, madami pa akong maisusulat na mga kabanata sa buhay ko at maitatala dito (err, andami ko na pala hindi naipost dito. Saka na lang pag may travelogue na ulit ako :D) . Kung totoo lamang ang deathly hallows sa Harry Potter, pipiliin ko din ang invisibility cloak para hindi ako mahanap ni kamatayan at kusa ko na lamang itong isasauli pag matanda na ako. Pero kung hindi man, ayos na din yung habang natutulog para hindi na maghirap pa. Para ka lamang nananaginip nang walang katapusan. Ayoko magkasakit (magastos), lalo naman ang maaksidente o mapatay ng kung sinong kriminal. At mas lalo naman di ko lubos maisip na gagawin sa'kin yung mga rules ni Bob Ong sa pagpapakamatay. Never!
Tanong uli. Paano ba paghahandaan ang kamatayan? Kung matanda na siguro o kaya may terminal illness, pwedeng mapaghandaan na tanging ito lamang ang iniisip na kahihinatnan. Kung pang long term naman, madami namang insurance companies na pwedeng masandalan. At least ngayon, assured na naman ako na hindi mamomroblema sakin ang mga maiiwan ko sapagkat may insurance na ko, sana lang makumpleto ko ang hulugan at mapakinabangan habang humihinga, nakakakilos at nakakapag-isip ako :D
Kung tatanungin ako kung handa na ba akong mamatay at makaharap si Lord, babalikan ko ang isinagot ko halos tatlong taon na ang nakalipas sa CLP graduation sa SFC. Sa totoo lang, di ko na maalala ang eksaktong sagot. Ang sabi ko yata noon hindi pa, dahil madami pa akong gustong gawin sa buhay. Ganoon pa din ang isasagot ko ngayon. Gusto ko pang makapangasawa (hopefully coming soon) at magkapamilya. Gusto ko pa maabutan mga apo ko, tapos pag matanda na ako at nakitang malalaki na sila, masasabi ko na lang sa sarili ko, "This is life."
At kung tatanungin uli ako kung ano gusto ko maramdaman ng mga mahal ko sa buhay sa oras na dumating ang ending ko, gusto ko lang silang maging masaya para sa akin. Ayos lang lumuha sa una, pero kinabukasan dapat all smiles na. Masaya na din ako noon, bagaman di ko na sila makakasalamuha.
Magbabantay pa din ako, at kung anuman ang inilaan ng Panginoon para sa
akin, tatahakin ko. May Your will be done, Lord.
Tapos sa entourage papunta sa kabilang buhay, gusto ko mga lively na kanta ang patugtugin. Tipong mga pang One Piece at iba pang paborito kong anime :D At syempre, ayoko din malimutan. Pag nakalimutan na ako, dun ko lang masasabi na wala na talaga ako (inspired lang ni Dr. Hiruluk).
"When do you think people die? When they are shot
through the heart by the bullet of a pistol? No. When they are ravaged
by an incurable disease? No. When they drink a soup made from a
poisonous mushroom!? No! It’s when… they are forgotten." - Dr. Hiruluk, One Piece.
Kaya para sa lahat ng mga mahal natin sa buhay, nawa'y manatili silang buhay sa ating mga alaala. Ito din naman ang isa sa mga dahilan kaya natin inaalala ang araw na ito.
===============================
Isa sa mga dahilan kung bakit ko naituloy ang post na ito, hindi lamang dahil sa Araw ng mga Patay, kundi bilang pag-alala na din sa isang malapit na pinsan na sumakabilang buhay dalawang araw bago ang November 1, at isang araw bago ang kanyang ika-26 na kaarawan :( Isa sya sa mga pinakamalapit kong pinsan. Napakabait, mabuting kaibigan, anak at kapatid. Napakasipag din nya (natural na sa magkakapatid), sanay sa pagbabanat ng buto. Palagi namin syang naasahan pag may ipapakiusap, bihira o hindi mo talaga sya maririnig na tumanggi. Nakakalungkot lang na maaga syang namaalam at sa isang malagim na aksidente pa. Mahirap pero kailangan tanggapin ang masaklap na wakas.
Maraming Salamat, Aldrin. Salamat sa lahat ng kabutihan na ibinigay mo sa amin. Salamat sa pagiging parte ng aming mga buhay. Mananatili kang buhay sa aming mga alaala at hindi ka namin malilimutan. Matapos ang lahat ng hirap, nawa'y masaya ka na ngayon at kapiling na ng Panginoon. Patuloy mo pa din na gabayan ang iyong pamilya, at sana'y maluwalhati nilang malampasan ang pagsubok na ito. Ito ang aming dalangin sa ngalan ng Panginoong Hesus, Amen.
===============================
Hayaan nyong wakasan ito sa isang awitin na sumasagi sa aking isipan patungkol sa pagtanda. Medyo hawig sa "Tatanda at lilipas din ako", ikinekwento nito ang mga alaala ng kabataan, paglipas ng oras, hanggang sa katandaan. Dahil tulad ng larawan, tayo din ay kumukupas.
Fade Away
Sugarfree
Don't you ever wonder
Where all your happy thoughts have gone?
In case you don't remember
We were Peter Pans for a day
You say it's all in a day's work
But days will turn into weeks
And on and on and on we go till we just forget
And we forget
Bridge:
There goes your world on a train
You gotta catch it cause it's making it's last trip
Time don't take it away
Don't take it away
Don't take it all away
Chorus:
When we move to the left, then we move to the right
Forward never backward until your moment's gone
We all fade away
When we spin around we don't make a sound
You know time keeps moving on
And then your moment's gone
We all fade away
We can't be young forever
But that's what old men say
Just try and remember
How we were John and Wendy yesterday
(Repeat Bridge)
(Repeat Chorus)
Tell me, do, do you recall
When Saturday mornings were meant for fun?
Do you remember when it all went away?
No comments:
Post a Comment