Naging tema ng timeline ko sa Facebook at kahit ng mga post ko sa blog ang pagkekwento ng mga pangyayari sa bawat buwan. Lubi-lubi lang. Hindi ko na kelangang idetalye lahat, pahapyawan na lang natin. Madami din naman akong naaccomplish. Madaming mga alaalang habambuhay kong babaunin, mga lugar na napuntahan, at mga taong pinagpapasalamatan ko sa nagdaang tatlong daan at animnapu't limang araw..
Itala ang dapat itala. Heto na:
- Ikinasal na ang bestfriend ko. Chance na din na makabalik sa Bicolandia. Isang sulit na bakasyon na puno ng saya at pagmamahal.
- Nakaattend sa kauna-unaha kong SFC International Conference (ICON). Sobrang nakakabless sa pakiramdam ang praisefest. Nakakabusog sa spirit ang workshops , sharings at talks. The best!
- Nakapagleave ng isang buong linggo sa unang pagkakataon. Nakatuntong sa Baguio at Hundred Islands sa unang pagkakataon. May mga nakilalang bagong mga kaibigan habang nasa tip.
- Simula ng service sa SFC. 2 CLP para sa taong 2013 at naging aktibong bahagi ng grupo. One of the best blessings I have received: the gift of service. Thank you, Lord God. I will forever treasure my experience in SFC :)
- Back to back birthday celebrations w/ SFC/friends sa work at family treat noong Holy Week.
- Meetup with long-time Uzzap friends (Anak, Jadik and Baliwww) for the first time.
- Sugarfree musical with ShinKayCoy, at ilan pang foodtrip.
- More recognitions sa trabaho.
- SFC Metro Manila Conference (MMC) at Subic. Another round of blessings as a member of SFC :)
- Year-long assemblies and teachings sa SFC. Bonus pa ang Baptism at Lord's Day celebrations.
- Nakabalik sa Tagaytay para sa isang retreat. Promise fulfilled.
- Found a new source of love and joy :))) Thank you once again Lord, for blessing me much more than I deserve despite my unworthiness.
- CDO-Camiguin-Bukidnon trip with my office friends. First time din na nakasakay sa plane. Hindi na ako bano. :D
- Giving back, looking back: First Christmas Party with FSLE scholars since makagraduate ako noong 2008. Na-alaala muli ang Lasallian prayer.
- More moments, Christmas and New Year with her.
==============
Tama na muna ang pagseselfie. Doon naman tayo sa nangyari sa bansa.
Naging mainit ang pulitika (correction, palagi palang mainit, so mas lalong napansin na lang) last year dahil sa eleksyon, bonuses, tax, pork barrel at Napoles. Halos lahat siguro ng nanonood at nakikinig ng balita at nakatutok sa social media, naging bukambibig si Napoles. Ayoko ng idetalye, alam na ang kasunod. Iwas sa high-blood, bawal ang pork. Good vibes lang dapat palagi, bawal ang sad (maka-Ryzza lang :D Look up look up!)
Sinubok ang bansa ng mga nakakapanlumong kalamidad: lindol sa Cebu at Bohol at Bagyong Yolanda sa huling bahagi ng taon. Libong buhay ang nawala sa ilang iglap lang. Kalikasan na ang salarin, o sabihin na nating epekto na din ng tao sa ginagawa nya sa kalikasan. Kasama pa din sa aming mga panalangin ang lahat ng pamilyang naapektuhan ng mga trahedya.
At dahil good vibes dapat, nakakalubag-loob din naman na makitang nagtutulungan hindi lamang ang mga Pilipino, kundi pati na din ang buong mundo para sa mga nasalanta. Sana araw-araw ganoon, at hindi na kailanganin pa ng isa pang super bagyo o anumang kalamidad para lamang magkaisa ang lahat.
Smile ka din, konti lang :)
Humakot muli ang Pilipinas ng mga korona sa madaming international pageants. Maganda at matalino talaga ang mga Pinay.
Nagkaisa muli ang mga pinoy sa panunumbalik ng sigla ng basketball sa Pilipinas. Nakapasok muli tayo sa World Cup pagkatapos ng napakaraming taon. Laban Gilas! Puso!
=========
At para sa lahat ng mga aral at karanasan sa nagdaang taon, salamat Panginoon, salamat. Nawa'y maging masagana pa din ang taong 2014. Anumang problemang darating, sana'y masolusyunan din agad. Magpatuloy sana ang mga pangarap na inilatag noon. Madami pa din sanang pagkakataong umunlad. Nawa'y manatiling masaya, ligtas at malusog ang lahat ng aming mga mahal sa buhay.
Hanggang sa muli.
#
No comments:
Post a Comment