Monday, November 26, 2012

ShinKayCoy sa E.K.


Ehemmmm. Testing.

Okay, pwede pa pala akong gumawa ng write-up sa sarili kong wika. Mahirap na , baka makalimot. Isa pa, mas madaling magpahayag kapag tagalog lang, may ibang terms kasi na mahihirapan akong itranslate sa English lalo pa at ginamit ko ito kasama ang dalawa sa pinakakwela at pinakamalapit kong mga kaibigan. 

Dahil nakarequest ang little girl na gumawa uli ako ng note sa mga escapade namin, eto na. Medyo delayed dahil yung unang meetup pa lang ang nagawan ko. Babawi ako ngayon, yung latest naman. Haha!
Welcome to Enchanted Kingdom, ShinKayCoy.

---
25 November 2012

Sa wakas! Natuloy din ang matagal nang pinaplanong makadayo sa lugar ng mga pangarap. Matapos ang ilang buwang hindi pagkikita dahil sa kabusy-han sa trabaho, nakapagtakda din ng isang petsa para dito. Nakareserve na ang budget, nacancel na ang kung anumang lakad para sa parehong araw, at nakapaghanda na din ng mga gagamitin  (meron ba?) sa pagpunta sa EK. Tayo na!

Na-late ako ng dating sa meeting place namin. Malabo na kasi ang mata ko, maling jeep ang nasakyan ko. Imbes na MRT eh Rob Galleria lang pala yun. Napilitan tuloy akong maglakad mula Galleria hanggang Starmall. Isang magandang ehersisyo ang paglalakad, looking at the brighter side :D Naghihintay na ang dalawang little girls sa big boy :p . Halos 10:00 am na ako dumating, diretso na sa van at ilang minute lang ay nakaalis na din. Sinimulan namin ang araw sa usual na kwentuhan, biruan, at stolen pics. Mahaba pa ang araw, madami-dami pa kaming mapapag-usapan.

EK. Pang apat ko nang balik dito, kasama ngayon. Last year pa pala yung huling punta ko dito, nalimutan ko na ang date. Naaalala ko pa naman yung huling punta ko dito, pati yung kasama ko. Nagsimula nang manukso yung dalawa, baka daw may namimiss ako. Magkaiba naman yung naaalala sa sa namimiss, di ba? Syempre, hindi naman madaling burahin ang mga alaala, lalo pa kung masaya. Dito nagsimula ang minsan kong kabaliwan. Nabalot ng mahika sa loob ng mahigit isang taon. Naging masaya naman ako noon, kaya normal lang na bawat makita ko sa lugar na ‘yon ay nakakapag-paalala sakin sa minsang nakasama ko. Tapos na ang kwentong ‘yon, masaya na ako ngayon (pati siya), at hindi ko ugaling dugtungan ang isang kwentong tinuldukan ko na. Sapat na ang alaala, nakatingin na lang ako sa ngayon. Mahika ng pag-ibig ang una kong naranasan dito, ngayon, mahika ng pagkakaibigan at kabaliwan naman.

Kain sa Mcdo, sakay ng tricycle, at andito na kami! Nabitin ang picture taking dahil sa sobrang init. Babalikan ka namin, Eldar the Wizard. Nagmahal na pala ang entrance kumpara last year. Antagal ko na talagang di nakapunta dito. Halos isang oras din kaming nag-ikot ikot, yung dalawa ayaw pang sumakay. Kelangan pa ata ng pampalakas ng loob, haha! Dahil sobrang init, unang stop-over namin sa Rialto na agad. Pampalamig din yun, covered nga daw sabi nila. Matapos makakuha ng ilang pictures sa may No Entry na sign at St. James Bank (na supposedly ay para sa iba pa naming kaibigan mula sa Uzzap world), diretso na kami sa pila sa Rialto. Now Showing: Polar Express. Nadampian din ng lamig ang nasusunog na naming mga balat. Yung isang bata, lumupagi na habang nakapila, nakahawak sa binti ng nanay nya (Peace Kwek ;p) . (ilagay ko na din ba dito yung pics? Haha!) Ayos naman yung mini movie, nakakaexcite na magspace shuttle dahil sa riles na nagmukhang roller coaster. Isinunod na namin ang iba pang rides.

Next: Flying Fiesta. Nagkasya na kami sa tig-iisang upuan. Ang hirap palang kumuha ng pic pag nakasakay na dito. Panay pa ang pose nina Mardz at Kwek, nakaharang naman yung mga chain ng upuan(anong tawag dun?) Medyo nahilo ako ng konte this time, nagtatry pa kasi kumuha ng pics. Konting pahinga, inalok ko sila na mag roller skater na para light lang uli. Eh mukhang natipuhan na nila yung Anchor’s Away. Eh di go (with an evil smirk ^_^). Sabi ko, maghanda na sila. At doon na nagsimula ang pagkahilo ko at pagsakit ng ulo… sa katatawa :DD Peace Mardz at Kwek! :DD Buti na lang hindi masyadong mahaba ang pila. Ilang minuto lang nakasalang na kami. Dun kami nakapwesto sa bandang gitna, sayang. Mas enjoy sana kung sa dulo. Nagsimula nang gumalaw na parang pendulum yung barko. Nagsigawan na karamihan sa mga kasabay namin, lalo na yung katabi ko (di ba Shin? :D) At dahil ilang beses na din ako nakasakay dito, parang di na ganun katindi ang tama sakin ng barkong ‘to. Siguro dahil isa na akong pirate. Haha! Ehemmm. At ‘yung isang bata, bagaman hindi sumisigaw, nangangatog na pala ang tuhod. Nakakatakot ba talaga dun Mardz? :o Para lang akong si Luffy sa One Piece na mas nageenjoy kapag nasa panganib. Mauutas ako sa kakatawa :DD Enjoy! Huminto din ang barko, mukhang back to normal naman sina Shin at Kay. Umupo muna kami sa may Bump ‘n Splash, nagparecover. Back to normal naman nga sila, medyo lumamlam nga lang ang mga kulay. Sabi ko nga maglipstick sila para hindi halata :P .

Matapos ang isang crazy ride, nagpagala-gala lang muna ulit kami. Sumubok ako dun sa shootout. Malaking ring, malapit, maliit na bola. Ang 100 ko, ½ lang nashoot ko. Good for one small prize. Hindi na talaga ako marunong magbasketball. Haha! Halos naikot na namin ang buong EK. At ayun, nakaramdam din ng gutom. Nagkasya na sa isang regular size na pizza at carbonara. Solve. Dagdag pampagana pa ang performance ng Zion Show (yung mag-asawang sirkero na nasa Hall of Fame ng Talentadong Pinoy).  Ayos. Round 2 na.  Pinagsunod-sunod namin ang roller skater, dodgem at jungle log jam. Halos isang oras na pila para sa tig-isa hanggang dalawang minuto ng kasiyahan. Sulit na din, madami naman kaming extra curriculars. Enjoy kaya panoorin yung mga sumisigaw habang nababasa sa log jam, pati yung bungguan sa dodgem, pati yung reaksyon ng mga beki sa EKstreme. Palakpakan talaga yung ibang nanood pagbaba nila mula sa tuktok. Nakipagkulitan na din dun sa nagma-mime. Ubos na hininga ko sa kakatawa.

Ambilis ng oras. Malapit na pala dumilim. Bagaman nakailang rides pa lang kami, sulit na din. Madami na din naman kaming mga pics. Madami ng itetakehome. At kapag nasa EK, hindi dapat pwedeng mamiss ang Wheel of Fate at Space Shuttle. Nakabukas na ang mga ilaw sa ferris wheel. Mas lalong gumanda ang view. Pila ulit, at nakasakay din sa Gondola # 34. Anlamig sa taas. Mahangin pa. Pictorial ulit, nililipad-lipad pa ng hangin. Hindi pa tapos ang araw. Pang-finale na ride ang Space Shuttle. Low batt na si Mardz, kaya kami na lang ni Kwek ang pumila at sumakay. After 45 minutes, nakasakay din. Nakakakaba pa din pag paangat pa lang, pero pag umaandar na, ayos na. Nakakatawa ulit! Sarap sa pakiramdam na ambilis ng galaw tas tumitiwarik, umiikot at bumabaligtad ka. Salamat sa One Piece, naeenjoy ko na talaga ang mga extreme na ride :D . Naubos na ata ang boses ni Kwek kakasigaw :D.

First time ko inabot ng ganto kagabi sa EK. Nakapamili na ng souvenir si Mardz. Halos 8:30 na at sa wakas, naabutan ko din ang fireworks dito. Huling hirit, nag-ikot ulit kami, nag DQ, and it’s time to go home.

November 25 on the books. Nasulit ko na ang isang araw kasama ang dalawa sa pinakamalapit at pinakapinagkakatiwalaan kong mga kaibigan. Madami pa kaming pagsasamahan. Sana matuloy ang Cebu at Bohol adventure. Cross Fingers :D 

No comments:

Post a Comment