Friday, July 23, 2010

Daang Matuwid pala ha... Hahahaha!

At ito pala ang tinatawag na daang matuwid. Napakagaling.

Mula sa balitang pinapangalandakan ni Kabayan sa radyo (wala pang mahanap na write-up tungkol dito), mukhang aktibo na ang BIR sa pagsasakatuparan ng kanilang tungkuling maabot ang target collection at makalikom ng malaking salapi mula sa buwis na ibinabayad ng mga mamamayan.

KAYA LANG, E 'BAT naman pati mga maliliit na manggagawa eh papatawan pa ng EVAT?

Sige, sabihin ng "nakikinabang" din sila diumano sa mga proyekto ng gobyerno. Eh bakit sa dinami-dami ng mga malalaking negosyante at propesyonal na kumikita ng milyon-milyon eh uunahin pa nilang kolektahan itong mga naghihikahos na nga sa buhay? Ay kainaman naman!

At kailangan pa daw mag-issue ng resibo ng mga tricycle/pedicab driver sa mga pasahero. (Facepalm!!!)

Ano ba ang kinikita ng mga driver/tindera at iba pang maliliit na negosyante/manggagawa kumpara sa sandamukal na salaping ibinubulsa ng mga mayayamang may-ari ng negosyo, mga accountant, abogado, IT experts, manager, artista, smugglers este yung mga negosyanteng madaming itinatago, at madami pang ibang mga "Bigtime" kumbaga?

Bakit hindi nila unahing habulin itong mga tax evader at kolektahan ng karampatang buwis iyong mga nalulunod sa pera? Ito ba ang hustisya? Ito ba ang daang matuwid? Ang kaya lang ba nilang pasunurin/pwersahing pasunurin ay itong mga nasa mababang antas ng labor force?

Kung walang corrupt, walang mahirap.

Eh pano kung mahirap ang kino-corrupt?

Yan yan. Umayos kayo.

No comments:

Post a Comment