Monday, August 31, 2009

Holiday work (PAY $$$$$)

Isang nakakabagot na araw na naman ang lumilipas (Present tense dapat) NYaHahA!

August 31, 2009. Lunes. National Heroes Day.

Holiday. Walang pasok.

Ang mga estudyante at mga masarap ang buhay na mga alipin este empleyado.

Kaso lower class underemployed alipin lang ako, kaya heto ako ngayon, nag-eenjoy sa libreng internet este nagpapakahirap sa trabaho.

Sapagkat kami'y alipin lamang!

Sa mga ganitong panahon nakikita ang tunay na kalagayan ng isang alipin este empleyado.. Isipin ninyo na nakapagsasabi ako ng ganito sapagkat HINDI ako MASAYA sa kinalalagyan ko ngayon.
OO, tama ka.

Nagtatrabaho ako nagyon para kumita ng doble doble doble. kase malabo na atang maging milyonaryo ako dito sa trabaho ko.

Hay nga naman, sa halip na nagpapahinga ako kasama ang pamilya ko sa isang "long weekend", eto ako, nandito na sa kabihasnan;p.

Sabi nga ng Inay bago ako lumuwas, para daw akong me anak na. Holiday na holiday nagtatrabaho.

Ganyan talaga, kelangan magpakahirap para kumita ng pera. lalo na pag napakaliit ng sweldo mo.

HaaaaaaAAAAAAAAAAyyyyyyAYYYY!

Bakit kase ipinanganak akong mahirap.

"Ganyan talaga ang buhay..
lagi kang nahihirapan
pagka't ikaw ay alipin
na wala pang nalalaman"

Yayaman din ako.

Pag nangyari yun,, everyday will be a holiday!

Ayos!!!!

Teka, pano ba yumaman ng instant? Tumaya sa lotto?

Hmmm...

Sali na lang tayo sa game show!

Bossing! I'm coming!

Friday, August 28, 2009

Pahabol:p

Dahil ito ang unang araw na nakapagpost ako dito, gusto ko nang sulitin.

Some Random thoughts playing in my head....

1. Ansaya pala pag libre ang internet mo ng 6 hours a day.

2. Antindi ng mga manga ngayon. Naruto pa lang nababasa ko. Wala pang One Piece:( sana within 61 minutes and 23 seconds maupload na yun. kundi, seee yah on Monday na lang.

3. Kahet papaano me maganda din palang "benefits" ang "work"(?) ko ngayon. Bagaman madami na akong dahilan para lumayas dito, me mga "extra curricular" pa akong natatanggap. Eto na yata yung sinabi ng HR Recruiter na "incentives for Employees" nung JO namen. Nice!

4. Uuwi na naman ako sa aking lupang sinilangan. LOLzz! Lipa, Here I come!

5. Masarap pala talaga ang bawal. (SSssshhhhhhH... wag kayong maingay, baka mahuli ako ng bisor, sisante ako pag nagkataon)

At higit sa lahat, kelangan kong marecord ang araw na to sa history ko kase....

Nagreply si "New Found Idol/Inspi/Crush" ko sa mail ko sa kanya sa FB. Alam ko siya talaga yun. Sobrang sweet nya! Maganda, Matalino, at Talented pa! She's an UP and coming/newest (redundant) singing sensation.

New Entry sya at #2 sa mga idol/crush/inspi ko.

#1 pa din si Sarah G. syempre..

Thanks Angel Sabrina!:)

I will mark this day in my life calendar: August 28, 2009.

She reminds me of my bestfriend/kambal. Pareho pa sila ng school. Ang Dream School ko. UPLB.

Ang cheessssy ko 'no?

Ayos lang, at least, inspired na ulet ako. Hindi na ako zero.

Sana mag-improve pa ang life ko. Wushu!!!!

Hanggang sa muli! Paalam!

Simulan ang Kabaliwan!

Heto na naman tayo.

Bakit ba ngayon ko lang naisip na gumawa ng blog na sarili kong wika ang gamit?

Mas maganda na 'to. Makakatipid tayo sa bulak.

Para sa aking paunang patikim, wala akong maisip na matinong maibabahagi. Total, hindi naman matino ang nagsusulat ngayon, at malamang na hindi din matino ang bumabasa nito ngayon (Oo, Ikaw nga. Huwag mo nang itanong sa katabi mo kung sino ang tinutukoy ko. Aminin na kase).

Interesado ka pa bang magbasa?

Kung HINDI, binabati kita! Matatakasan mo ang isang bangungot. Makakaiwas ang mga mata mo sa pagmamasid sa mga letrang walang saysay.

Kung OO, pinapayuhan kitang panatilihin ang iyong katinuan habang tinatahak ang mga susunod na pahinang iyong makikita. Paalala: ito ay gawa ng isang walang magawa. Huwag ka nang magtaka kung tungkol saan ba o ano ang iyong nabasa. Mahihirapan ka lang sa pag-iisip.

(Teka, nauubusan na din ako ng tagalog ah, ow ehm gee! Breaking my own rules, mag ala Kris Aquino na tayo!)

Hindi ko layunin na makapagdulot ng hindi maganda sa kalusugan ng aking mga mambabasa. Total, ginawa ko lang naman ang blog na ito para sa pansariling gamit(?). Ito ang talaan ng mga kabaliwang nagaganap sa araw araw na ginawa ni "BRO" sa aking "life".

Kung hindi mo maintindihan ang mga sinasabi ko, mahusay! Ibig sabihin maayos pa ang iyong pag-iisip.

Kung naiintindihan mo, well, Welcome to the Club! PipS!

Enter BEGIN!!!

(NOW PLAYING: BIOMAN Theme Song: Inspired by Brewrats;p)